PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jade Cuaresma, 22, kumikita ng PHP200K a month sa sandwich business

Hindi siya natuloy sa internship sa U.S., pero ang bongga ng kita sa business!
by Bernie V. Franco
Published Feb 2, 2022
jade cuaresma
The sandwich business that Jade Cuaresma put up using her savings at the start of the pandemic now earns PHP50,000 a week.
PHOTO/S: Facebook (Pera-Paraan via Jade Cuaresma)

Blessing in disguise para kay Jade Cuaresma ang pandemya dahil nakapagpatayo siya ng negosyo.

Sa edad na 22, may dalawa nang food truck ang taga-General Santos City, at kumikita ng tinatayang PHP200,000 kada buwan.

Nagsimula siya sa pinaglumaan at hindi ginagamit na multicab, na ginawa niyang food truck.

Gamit ang PHP30,000 puhunan para sa pagkain, napalago ni Jade ang kanyang sandwich business.

Naitampok si Jade sa December 11, 2021 episode ng Pera-Peraan, isang show ng GMA News and Public Affairs.

Kuwento niya, “Matagal na po talaga na gusto ko magkaroon ng food truck.

“Pag-start ng pandemic, nagkaroon ako ng chance na mag-start ng food-truck business ko.

“Kasi may truck kami na di ginagamit, nasa bahay.

“Inayos namin kasi nga meron kaming talyer din na nagbi-build ng mga sasakyan.”

Mga sandwich ang nasa menu na isini-serve ng kanyang food business na tinawag niyang Driveway Café.

jade cuaresma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW JADE’S BUSINESS STARTED

Nagtapos ng culinary si Jade sa Davao City at noong 2020 ay nakatakda siyang mag-internship sa Colorado, USA.

Lahad niya, “Kaso pag-start ng pandemic, wala munang flight.

“Parang blessing in disguise din for me kasi kung wala ding pandemic, wala ding akong food truck ngayon.”

Saan naman kinuha ni Jade ang kanyang puhunan?

“Ginawa ko dati, nag-aaral ako, ang half ng baon ko, iniipon ko din.

“And also yung pera ng last business ko, naipon ko din.”

May ipon daw siyang PHP100,000 na ginamit niya para maipaayos ang kanyang food truck.

“Kasali na po yung gamit, pintura, artist…”

Inilaan naman niya ang PHP30,000-PHP40,000 bilang puhunan sa sandwiches.

Two years after, pagpasok ng 2022, nakabawi na si Jade.

“Pangalawang food truck ko na. Nakaka-happy kasi ang weekly po na sales umaakyat po siya ng PHP30,000 to PHP50,000 a week.”

jade cuaresma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Best-seller of Jade's business is her 16-inch long sandwich.

BEST NEW YEAR EVER

Sa kanyang New Year post noong January 1, 2022, masayang binalikan ni Jade ang kanyang business success.

Aniya, hindi magiging success ang kanyang negosyo kung wala ang tulong ng kanyang pamilya.

Post ni Jade, “A few moments before 2021 passes, I would like to take this chance to look back on the events that this year has brought me.

“I am still currently trying to process everything that I have received, and the overwhelming feeling of gratitude.

“It started with me and my idea, then it blossomed into a small bud of opportunities with the aid of my sister and my parents, those opportunities then bloomed into a flower of great events.

“I am forever grateful for the love and support of the people who continue to support me and my ideas.

“As for 2022, I cannot wait to see what this year has in stored for me, and I am ready to face any obstacles along the way.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

jade cuaresma

Simple ang advice ni Jade sa mga nais magnegosyo.

“Push niyo talaga iyan. Kasi, ako nga, e, idea lang ito. ‘Tapos tinry ko, so ayun, naging successful naman siya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The sandwich business that Jade Cuaresma put up using her savings at the start of the pandemic now earns PHP50,000 a week.
PHOTO/S: Facebook (Pera-Paraan via Jade Cuaresma)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results