PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piggery turns into cochinillo business earning 6 digits a month

Imbes isara ang piggery.
by Bernie V. Franco
Published Feb 9, 2022
cochinillo business
Christian Tolentino (right photo) ventures into cochinillo business this pandemic. His PHP4,000 investment has grown into six-digit sales per month.
PHOTO/S: Facebook (Boss Cochinillo by Aaron tolentino

Bagamat may mga negosyong napilayan at nagsara sa panahon ng pandemya, mayroon namang iba na lalong umasenso.

Ganito ang success story ng negosyanteng si Christian Tolentino, owner ng Boss Cochinillo sa Maynila.

Patok kasi ngayon ang “cochinillo” o yung roasted suckling pig na hinihiwa gamit ang plato para makita na malutong ang balat at malambot ang laman nito.

Ang cochinillo ay nagmula sa Segovia, Spain.

cochinillo business

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Each cochinillo costs from PHP6,500 to PHP8,000

Nag-venture si Christian sa cochinillo business gamit ang PHP4,000 na puhunan, pero hindi siya nagbigay ng detalye kung sa baboy o pugon niya iyon ginastos.

Ang nakamamangha ay six digits na ang kinikita niya buwan-buwan ngayon.

CHRISTIAN’S RISE FROM BUSINESS FAILURE

Tinamaan ng pandemya ang piggery business ni Christian.

Dalawang dekada rin siyang nag-supply ng mga baboy sa mga hotel at restaurant, na tumigil ang operasyon dahil sa safety protocols laban sa COVID-19.

Naitampok ang kuwento ni Christian sa Pera-Paraan ng GMA News and Public Affairs noong December 18, 2021.

“Nung kasagsagan ng pandemic, humina kami. Hanggang sa yung mga restaurant nagsara 'tapos naipit din yung mga puhunan namin.

“Siyempre, dire-diretso ang pandemic.”

Nag-isip sila ng paraan kung paano nila mabebenta ang kanilang baboy.

Sakto namang, sumisikat ang cochinillo noon.

Ang mga anak niya ang nakaisip na patulan nila ang business na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Doon nga naisipan ng anak ko na, ‘Daddy, bakit hindi tayo magluto ng cochinillo? Yung iluluto mo, ibebenta namin.’”

Ang bawat cochinillo ay nagkakahalaga ng PHP6,500 to PHP8,000 kada isa, depende sa laki nito.

Mayroon na siyang labing-isang ovens at kayang magluto ng 30 piglets nang sabay-sabay.

Noong Bisperas ng Bagong Taon, nag-post si Christian sa kanyang Facebook page ng isang inspiring message tungkol sa kanyang tagumpay.

“As a business owner, it is very hard to find ways to earn money now that we are facing global pandemic issues and we do not know when it will end,” post niya.

Pero natuto siyang humanap ng paraan para masuportahan ang pamilya.

Higit isang taon na ang kanilang negosyo at marami silang natutunan sa pagpapatakbo nito.

Sabi pa sa post, “It all started with ideas and planning that later on turned into reality by putting actions and risking.”

Isa raw sa secret ingredients to success ay mahalin ang ginagawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It’s all about the love you put in your passion.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Tolentino (right photo) ventures into cochinillo business this pandemic. His PHP4,000 investment has grown into six-digit sales per month.
PHOTO/S: Facebook (Boss Cochinillo by Aaron tolentino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results