PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Pusisig" PHP200K a week ang benta; tapsihan sa Cavite, tiba-tiba!

Nakatikim ka na ba?
by KC Cordero
Published Feb 11, 2022
The famous pusisig
Bestseller ang “pusisig” sa tapsihan ni Lorelie Anggat sa Alfonso, Cavite, kaya naman kahit marami silang kakumpitensya ay mas dinarayo raw ang kanyang puwesto.

Isa si Lorelie Anggat, taga-Alfonso, Cavite, sa nag-isip ng puwedeng pagkakitaan nang pumutok ang pandemya.

Lorelie Anggat being interviewed

Pagbabahagi niya sa panayam ng programang Pera Paraan ng GMA-7 noong February 5, 2022, kinausap niya ang kanyang mister tungkol sa kanyang plano.

Bagaman online selling ang uso, mas gusto niya ang physical store.

Kuwento ni Lorelie, “Gusto ko talagang magnegosyo gawa nitong pandemic. Isang maliit lang na tapsihan lang ang gusto ng husband ko. Nag-usap kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit daw ng kanyang mister na may katrabaho ito na kumuha ng franchise ng tapsihan, at okey naman ang resulta.

“Sabi ko, alamin mo since nandito lang ako sa bahay, puwede na akong mag-hands-on sa negosyo.”

September 2020, napagpasyahan nilang mag-asawa na kumuha ng franchise ng isang tapsihan sa halagang PHP75,000.

Nang magsimula na sila ng operasyon, naging mabenta sa kanila ang “pusisig” o pusit sisig.

Pusisig

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basically, ang paghahanda ng pusisig ay ipinalalaman ang ready nang pork sisig sa loob ng pusit.

Kapag napuno na ang loob ng pusit, saka naman ito iiihaw at hihiwain bago i-serve sa customer.

Pusisig

Ayon kay Lorelie, malaking ginhawa sa kanya na kumuha siya ng franchise.

“Hindi ko kasi kakayaning mag-isa, e. Kasi kung franchise, kahit wala ang asawa ko, oorder lang ako 'tapos ide-deliver sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngayon ang iniintindi ko lang, yung mga gulay.”

Aminado siyang kabado rin siya noong simula na baka hindi maging successful ang kanyang venture.

“Kahit pandemic, itinuloy ko ito. Pero awa ng Diyos, okey naman hanggang ngayon.”

Gaya ng ibang tapsihan ay nag-o-offer din sila ng mga tradisyunal na inihaw na may sinangag. Pero ang pusisig talaga ang nagpasikat sa kanilang puwesto.

Tapsi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagmamalaki niya, “Maraming tapsihan sa Alfonso, pero kami yung dinarayo.”

Tinupad din niya ang pangako sa mister na magiging hands-on siya sa kanilang Tapsishop, ang pangalan ng kanilang tapsihan.

“Kahit pandemic, tuluy-tuloy kami para sa aking pamilya dahil halos dito na kami kumukuha ng pang-araw-araw naming gastusin.”

Masaya rin niyang ibinalita na umaabot sa PHP200,000 ang kanilang benta sa loob ng isang linggo.

Payo ni Lorelie sa mga gustong magnegosyo lalo na kung food business, dapat na may magandang koneksiyon sa mga customer.

“Hindi puwedeng dadating lang sila, oorder, ganun. Dapat medyo may kuwento ka rin sa kanila, nawe-welcome mo sila nang maayos.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bestseller ang “pusisig” sa tapsihan ni Lorelie Anggat sa Alfonso, Cavite, kaya naman kahit marami silang kakumpitensya ay mas dinarayo raw ang kanyang puwesto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results