PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taho vendor suki si Tili, ang anak nina Solenn Heussaff, Nico Bolzico

Siya ay si Kuya Henry.
by Bernie V. Franco
Published Mar 3, 2022
tili bolzico taho
Kilalanin si Henry Leonardo (middle), ang taho vendor na suki si Thylane, ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
PHOTO/S: @solenn and @nicobolzico on Instagram

Aliw na aliw ang netizens sa pagkahilig ni Thylane Katana "Tili" Bolzico sa taho.

Maraming social media posts ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico tungkol sa paboritong taho ng kanilang two-year-old daughter.

Sa isang video ni Nico kung saan makikitang kumakain ng taho si Tili, ganito ang caption ng Argentinian businessman: "Tell me your daughter is Filipina without telling me your daughter is Filipina."

tili bolzico

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula pa noong nakaraang taon, madalas mag-post sina Solenn ng videos ni Tili na sumisigaw pag tinatawag ang magtataho na si Kuya Henry.

Minsan ay hinahanap pa niya ito sa kalsada sa loob ng village.

Nakatutuwa rin kapag ginagaya ni Tili ang magtataho sa pagsigaw ng “Taho!”

Tuloy, kilalang-kila ng mga followers ng mag-asawa si Kuya Henry.

At ngayon ay mas dumami ang nakakakilala sa magtataho dahil umabot na sa news programs, online media, at social media ang pagkahilig sa taho ni Tili.

tili bolzico

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TILI'S SUKI TAHO VENDOR

Kinilala ang magtataho bilang si Henry Leonardo, ang kinomisyong maglako ng taho sa exclusive village na kinaroroonan nina Solenn.

Sa interview ni Henry sa GMA Public Affairs noong February, nagkuwento siya kung paano siya napadpad sa isang exclusive village sa Taguig para maglako ng taho.

“Dati po akong vendor sa Fort Bonifacio. Ngayon po, yung isa sa anak po ng suki ko roon, na-discover po yung McKinley Hills. ’Tapos, nagka-village at naging president po siya roon ng homeowner’s [association].

“Ngayon po, nagmeeting po sila. Nag-request na mayroong magtinda ng taho doon at balot.”

Si Henry ang kinuhang maglako ng taho sa village.

Paano naman niya naging suki ang anak ni Solenn?

“Dumadaan po ako sa tapat ng bahay nila. Yun nga ho, sumisigaw ako ng, ‘Taho!’

“Nagustuhan siguro ng bata yung pagsigaw ko, ginaya niya po.

“Sina Sir Nico naman, Ma’am Solenn, pinatikim po nila yung taho. ‘Tapos binigay po nila yung taho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“E, nagustuhan po siguro ng bata. Kaya yun, minsan hinahanap-hanap niya po ako.”

Biro pa nga ni Henry, natuto siyang mag-Ingles dahil sa pakikipag-usap kay Tili at iba pang suki.

“Maraming napupulot na English words sa mga suki na Inglisan, kaya nabihasa na rin ako sa pagsasalita,” nangingiting sambit ng tindero.

Sa social media account nga ni Henry ay bida si Tili na tinatawag niyang “idulo.”

tili bolzico

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Tili with her suki taho vendor Kuya Henry.)

Malaking tulong naman sa kabuhayan ni Henry ang pagtitinda ng taho dahil umaabot ng PHP2,000 ang benta niya kada araw.

Ito ang pangunahing kabuhayan niya simula pa noong 2016, para pantustos sa pamilya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin si Henry Leonardo (middle), ang taho vendor na suki si Thylane, ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
PHOTO/S: @solenn and @nicobolzico on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results