Watch Now

Jobless couple turns to selling peri-peri chicken; now earning six digits a month

by Bernie V. Franco
Apr 5, 2022
tolits peri peri
Sa loob lamang ng isang taon, ang pagbebenta nina Denielle Hernandez at Jomari Siongco ng pre-ordered food ay lumago sa isang food truck, hanggang sa magkaroon ng isang physical store at anim na franchised stores.
PHOTO/S: Facebook (Denielle Hernandez)

Dahil sa pandemya, parehong jobless ang couple mula sa Bulacan na sina Denielle Hernandez at Jomari Siongco.

Noong 2020, nagsimula silang magbenta ng peri-peri chicken, na family recipe ni Jomari.

In less than two years, nakapagpatayo sila ng physical store at may monthly earnings na six digits.

Mayroon na rin silang anim na franchised stores, at dadami pa raw ito sa Metro Manila ngayong taon.

Nitong January 9, 2022, ipinost ni Denielle sa kanyang Facebook account ang larawan ng kupas na papel.

Nakalista rito ang unang orders mula sa kanilang mga kakilala. Limang orders lamang iyon na ang total ay PHP2,000.

Sinong mag-aakala na makalipas ang isang taon, ang kita nila ngayon kada buwan ay six digits na?

Caption ni Denielle, “Until now nakasabit to sa ref namin to remind us that no matter how hard our day is… winning moments will take place soon!

“I can’t imagine yung hirap ng buhay namin before kasi palaging sakto lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di kami sigurado if may benta ba kinabukasan or paluwal na naman.

“Basta ang sigurado lang, masaya kami sa ginagawa namin.”

tolits peri peri

The faded paper that contained the list of pre-ordered peri-peri chicken when Denielle Hernandez and Jomari Siongco started their business in 2020.

Natatawa raw si Denielle dahil malayo raw ito sa kanyang tunay na propesyon, ang pagtuturo. Ni hindi nga raw siya marunong magluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawalan ng trabaho si Denielle sa school dahil nagtanggalan.

Wala ring income si Jomari na isa namang artist.

Nagdesisyon ang dalawa na palaguin ang sinimulang negosyo ng pamilya ni Jomari, ang Tolit's Peri-Peri, gamit ang na-perfect nilang recipes.

Ang pangalan ay mula sa ama ni Jomari.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 4, 2022, si Denielle tungkol sa ipinost niyang first-ever list of orders, isang daan lamang daw ang kinita nila noon.

“Our customers are not regular pa, it depends pa if we’ll earn something or wala in a day,” aniya.

Nagsimula sila na magbenta sa mga kakilala ng pre-ordered peri-peri chicken.

Ang kanilang puhunan na PHP20,000 ay hiniram mula sa mga mahal sa buhay.

Makalipas ang ilang buwan, pumatok ito kaya gumamit sila ng lumang truck para simulan ang Tolit’s Peri-Peri noong September 2020.

Ang isine-serve nila ay Mediterranean dishes.

tolits peri peri

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A few months after selling pre-ordered food, Denielle and Jomari expanded their business using an old truck.

Mensahe ni Denielle, “The main goal of Tolit’s Peri-Peri is to serve your unusual meal at a very affordable price.

"We want our customers to enjoy good food without spending too much.

“We always tell out staff to give their 100% best in every dish they cook. Hindi puwedeng ‘puwede’ na."

Malaking bagay din na mahilig magluto si Jom.

Dugtong ni Denielle, “Ang pinakasikreto siguro is naitayo yung business with pure intentions na mahal lang ni Jom ang pagluluto.

“We earn or not, hindi mapapagod yung puso namin for what we’re doing.

“Everything else will follow na lang siguro kaya sobrang [blessed] kami.”

Ang kanilang franchise package ay PHP160,000 kasama na rito ang initial supply ng products at included din ang training sa staff.

tolits peri peri

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Some of their specialties include peri-peri chikcen, liempo, and kebab

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob lamang ng isang taon, ang pagbebenta nina Denielle Hernandez at Jomari Siongco ng pre-ordered food ay lumago sa isang food truck, hanggang sa magkaroon ng isang physical store at anim na franchised stores.
PHOTO/S: Facebook (Denielle Hernandez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results