Watch Now

"Nakakaraos na talaga!" Pamilyang nagtitinda ng calamares, PHP600K kada buwan ang kita?

by Bernie V. Franco
Apr 15, 2022
calamares
Dati ay kariton lang ang gamit nina Rowena at Pablo Geroy sa pagtitinda ng calamares. Pero pumatok ito at nagkapuwesto sila. Umaabot ang kanilang kita sa PHP20K kada araw.
PHOTO/S: YouTube (TikimTV)

Sinong mag-aakala na puwedeng kumita ng PHP600,000 kada buwan sa pagbebenta ng calamares?

Noong 2003, nagsimula ang Calamares de Sta. Ana sa puhunang PHP1,000, na ipinambili ng tatlong kilo ng calamares at inilako ng mag-asawang Rowena at Pablo Geroy gamit ang kariton.

Ngayon, PHP20,000 na ang kinikita ng mag-asawa at 100 kilos ng calamares ang nauubos sa isang araw. May sarili na rin silang puwesto sa M. Roxas Corner, Suter Street, Sta. Ana, Manila.

“Bangketa lang kami [dati], pag umuulan mababasa ka, pag mainit naman sobrang init. Yun mahirap na sitwasyon namin, lalo na kariton lang kami,” ani Rowena sa panayam ng Pera-Paraan ng GMA News and Public Affairs noong March 30, 2022.

Binabalik-balikan daw sila ng kanilang mga suki at ang iba ay dumadayo pa para lang matikman ang calamares.

calamares

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binabalik-balikan ng mga parokyano ang calamares ng Calamares de Sta. Ana.

COOKED WITH LOVE

Bukod sa calamares, kasama sa itinitinda nila ay kwek-kwek, penoy, at suka.

“Masarap ang calamares namin. Wala gaano harina, talagang makikita mo siyang pusit na pusit,” sabi ni Rowena sa panayam ng Tikim TV YouTube channel noong March 12, 2022.

Ang presyo ng calamares at kwek-kwek ay 5 pieces for PHP20, at isang tub for PHP60. Ang penoy ay PHP13, at ang isang bote ng suka ay PHP70.

Pero ayon sa mga suki, ang nagbibigay ng ibang sarap ay ang espesyal nilang suka.

“Nagagayuma sila dahil sa sarap,” nangingiting sambit ni Rowena.

Sabi naman ng anak niyang si Paulo Rowel, pagmamahal ang secret ingredient ng kanyang ina.

Aniya, “Binibigay niya yung passion, love niya sa pagpi-prepare."

Sabi naman ng asawa ni Rowena na si Pablo, "Hindi ko alam, e. Pag natitikman nila, nagagayuma sila. Hinahanap-hanap nila yung sarap ng calamares namin,"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May kasama pang dagdag iyon. Masarap ang dagdag,” ani Rowena.

“Kahit nga PHP20 lang, may dagdag na yun, isa. Minsan pag medyo maliit ang pusit, pinapadagdagan ko dalawa. Masaya yung customer.”

street food

calamares

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suka, kwek-kwek, penoy, at calamares lamang ang apat na produkto ng Calamares de Sta. Ana.

Sariwa raw ang kanilang pusit dahil araw-araw nila itong binibili sa palengke.

Huhugasan nila ito, lalagyan ng kanilang mga sikretong sangkap, patutuluin, ilalagay sa harina, at ipiprito.

Bagamat matagumpay ang kanilang negosyong calamares, maraming nabigong negosyo ang pamilya noon.

Ani Rowena, “Nung bago kami mag-calamares, nagtinda ako ng gulay sa palengke, yung lutong gulay na laing. Nag-chicharon ako...

"Pero hindi nagtagumpay.

“Nung time na nag-calamares kami, sa una, hirap. Di mo nga alam kung kikita ka.

“Nung nagsimula kami, kariton na maliit lang, nagtitiyaga kami sa init.”

Inutang nga lang daw nila noon ang kanilang puhunan at nagbakasakali lang sila na baka tangkilikin na ang kanilang calamares.

At natupad na rin sa wakas ang kanilang hiling.

“Unti-unti kaming nakikilala. Salita-salita hanggang natuklasan ng mga tao,” ani Rowena.

Sabi nga ni Paulo, pinipilahan ang kanilang mga tinda at umaabot pa ang pila sa kabilang kanto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung noon ay kariton ang gamit, ngayon ay may puwesto na sila.

“Taon din siguro bago kami nagkapuwesto,” ani Pablo.

Unti-unti, guminhawa ang buhay ng mag-asawa at ng tatlo nilang anak.

“Dahil sa calamares, napag-aral namin sila. Dahil sa calamares na iyan na pinagsikapan namin. Nag-umpisa kami sa wala.

“Nagkaroon kami ng napundar na lupa.

“Nakakaraos na talaga. Iba talaga ngayon. Malaking pinagkaibahan ngayon sa buhay,” sabi ni Pablo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dati ay kariton lang ang gamit nina Rowena at Pablo Geroy sa pagtitinda ng calamares. Pero pumatok ito at nagkapuwesto sila. Umaabot ang kanilang kita sa PHP20K kada araw.
PHOTO/S: YouTube (TikimTV)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results