Miss Universe 2017 Demi Leigh Tebow a big fan of mango, halo-halo

by Bernie V. Franco
Apr 29, 2022
demi leigh tebow mango
Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow gets the breakfast she has been craving for: "The Philippines definitely have some of the best mangos I’ve ever tasted."
PHOTO/S: @demitebow on Instagram

Hindi pinalampas ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow, dating Demi Leigh Nel-Peters, ang pagkakataong lasapin ang mga ipinagmamalaking Filipino food sa pagbisita niya sa Pilipinas.

Nasa Pilipinas ang South African beauty queen para maging isa sa mga hosts ng Miss Universe Philippines 2022 grand coronation night sa Sabado, April 30, 2022.

Dumating siya nitong April 28, Huwebes.

Sa pangalawang araw niya sa Pilipinas, sinigurado ni Demi na matitikman niyang muli ang matamis na mangga ng Pilipinas.

At hindi siya nadismaya.

Sobra siyang nasarapan kaya’t ipinost pa niya ito sa kanyang Instagram Story.

Kita sa kanyang post ngayong Biyernes, April 29, ang bagong gising na si Demi hawak ang sinimot na buto ng hinog na mangga.

Sa harap niya ay ang mga balat ng mangga.

Caption niya, “First thing I wanted when I woke up was a mango [mango emoji] they just hit different here !”

demi leigh tebow

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang linggo ang nakalilipas, na-interview si Demi ni Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag.

Sagot ni Demi nang mausisa kung ano ang gusto niyang subukan muli pagbalik niya sa Pilipinas, “Definitely mango and sticky rice and halo halo!

"The Philippines definitely have some of the best mangos I’ve ever tasted.”

Sinabi rin niyang hindi niya makalimutan ang halo-halo, na una niyang natikman noong 2018.

“One of my fondest memories of the Philippines is when I visited the Philippines for the first time as Miss Universe.

“Getting to know the people, the culture, and eating halo-halo for the first time were all such an amazing experience.”

WHY PHILIPPINES IS SPECIAL TO DEMI

Pero may isa pang dahilan kung bakit espesyal ang Pilipinas para kay Demi.

Ang kanyang asawang si Timothy “Tim” Tebow, isang American football player, ay isinilang sa Pilipinas.

Ang mga magulang ni Tim ay mga Baptist missionaries na nanirahan sa Pilipinas for how many years bago sila lumipad at nag-settle sa Florida, U.S.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Demi, “The Philippines is a very special place to my husband and me.

“It was the first country I visited as Miss Universe 2017, and my husband was actually born in the Philippines, so it’s very close to both of our hearts.”

Ang mag-asawa ay mayroong philanthropic efforts sa Pilipinas, gaya ng Tebow CURE Hospital sa Davao City, na tumutulong sa mga batang nangangailangan ng orthopedic surgeries.

Nakikipag-ugnayan din sila sa Village of Hope at Compassionate Hope na tumutulong sa mga batang biktima ng Online Sexual Exploitation of Children.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow gets the breakfast she has been craving for: "The Philippines definitely have some of the best mangos I’ve ever tasted."
PHOTO/S: @demitebow on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results