Lucky Me! trending on social media; says its products are safe to eat

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2022
Lucky Me!
Trending ngayong araw ang Lucky Me! matapos maglabas ng statement ang ilang European Union countries na diumano, ang ilang variants ng noodles brand ay may taglay na ethylene oxide, na ginagamit sa paggawa ng pesticide. Nag-react ang Lucky Me!
PHOTO/S: Facebook (Lucky Me!)

Tatlong miyembro ng European Union ang naglabas ng babala sa kanilang mga consumers tungkol sa kilalang noodles brand sa Pilipinas.

Diumano, may mataas na level ng ethylene oxide, isang uri ng gas na ginagamit sa paggawa ng pesticide, ang sangkap ng products ng noodles brand.

Hindi pinangalanan ang brand ng noodles, subalit hindi nagtagal ay natukoy ito sa social media.

Sa katunayan, trending topic ngayong araw ang Lucky Me!, ang sikat na local noodles brand na pagmamay-ari ng food company na Monde Nissin Corporation.

lucky me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas ng magkakahiwalay na abiso ang Food Safety Authority ng Ireland, Rappel Conso (website listing all banned products) ng France, at Department of Information ng Malta para balaan ang kanilang consumers sa pagbili ng iba’t ibang variants—pancit canton at noodles soup—partikular yung na-manufacture noong 2021 at 2022.

France advisory on Lucky Me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malta on Lucky Me

Ireland on Lucky Me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa variants nito ay ang original, hot chili, kalamansi, and chilimansi flavors ng Lucky Me! Pancit Canton, gayundin ang Lucky Me! beef mami flavor.

Bagamat wala raw bantang “acute risk to health” ang patuloy na consumption ng ethylene oxide, maaaring magkaroon ito ng epekto kalaunan.

Advisory ng Irish government: “This pesticide is not authorized for use in foods sold in the EU.

“Although the consumption of the contaminated product does not pose an acute risk to health, there may be health issues if there is continued consumption of ethylene oxide over a long period of time.

“Therefore, exposure to this substance needs to be minimized.”

Abiso naman ng French government sa consumers, itigil ang pagkain ng mga produktong ito, at ibalik kung saan binili, o kaya ay sirain na lamang.

LUCKY ME! REACTS

Itinanggi naman ng Monde Nissin Corporation, ang company na gumagawa ng noodles, ang akusasyon.

Wala raw katotohanan ang bintang at sumailalim ang produkto nito sa “food safety standards" sa Pilipinas at U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa pahayag, "other companies' noodle products" ang apektado ng advisory ng EU countries, pati na rin ang mga produkto sa ibang food categories tulad ng "ice cream, sesame seed, spices, calcium carbonate supplements, among others."

Bahagi ng kanilang pahayag: “We would like to clarify that Ethylene Oxide is not added in Lucky Me! Products.

“It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth typical in agricultural products.

“These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of Ethylene Oxide.

“Rest assured that all Lucky Me! Products are Philippine FDA registered and comply with local food safety standards and even the US FDA standards for Ethylene Oxide.”

Lucky Me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang statement na ito ay ipinost sa Facebook accounts ng Lucky Me! at Monde Nissin Corporation.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending ngayong araw ang Lucky Me! matapos maglabas ng statement ang ilang European Union countries na diumano, ang ilang variants ng noodles brand ay may taglay na ethylene oxide, na ginagamit sa paggawa ng pesticide. Nag-react ang Lucky Me!
PHOTO/S: Facebook (Lucky Me!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results