Aya Medel's role in Philippine Madrigal Singers' impromptu singing of "Bituing Walang Ningning"

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2022
aya medel philippine madrigal singers
It was former actress turned chef Aya Medel who inspired the Philippine Madrigal Singers to do an impromptu singing of "Bituing Walang Ningning" at the actress' resto in Albay on September 6, 2022.
PHOTO/S: Facebook (Djai Tanji)

Saksi ang former-sexy-star-turned-chef na si Aya Medel sa viral video ng Philippine Madrigal Singers o Madz.

Nangyari kasi ang pinag-uusapang impromptu singing ng kilalalang choir mula sa University of the Philippines Diliman sa mismong restaurant na pagmamay-ari ni Aya, ang Ishiaya’s Garden Bistro sa Tabaco City, Albay.

Ibinunyag din ng uploader ng viral video na ang dating aktres ang dahilan kung bakit biglang kumanta ang kilalang choir.

Si Aya ay nakagawa ng maraming sexy movies mula mid-1990s hanggang early 2000s.

Nang iwan niya ang showbiz, nag-aral siya ng culinary at nagtayo ng sariling restaurant sa kanyang hometown sa Albay.

Nasa Albay ang choir para sa isang concert na gaganapin sa September 8, 2022.

Sa kuhang video, makikita ang Madz members na tumayo matapos ang dinner at kumanta sila ng "Bituing Walang Ningning."

THE STORY BEHIND THE VIRAL VIDEO

NItong September 6, 2022, in-upload ang video tampok ang tanyag na OPM song ni Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng lyrics nito ay "Balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal…”

Sa gay lingo, madalas gamitin ang partikular na linya bilang pagtukoy sa pag-take out o pagpapabalot ng food mula sa isang handaan.

Hindi nalalayo rito ang kuwento sa likod ng impromptu singing ng Philippine Madrigal Singers sa resto ni Aya.

Nagsimula kasi ito sa pahayag ni Aya matapos kumain ang Madz members.

Post ng uploader na si Djai Tanji, isang organizer at artist (published as is), “Bago umuwi yung Madz [Madrigal singers], sabi ni miss Aya Rechie Medel, Wait daw kasi babalutin ung mga tirang foods and ipapa Takeout sakanila...

“Maya't maya kumanta na sila ng BUTUING WALANG NINGNING! Hahahah!! ‘Balutin mo ako....’ Haha!

“Mas nakaka inspire magbalot pagkain pag ganito ang background music!Lol”

Gaya ng uploader, maraming netizens ang namangha sa makapanindig balahibong a capella number ng choir.

Isa na rito si Aya na sinabing “blessed” siya na masaksihan ang pag-awit ng tanyag na UP choir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ng dating aktres, “Thank you for the unexpected [serenade]. We are blessed [to] hear and witness it. Nakakatindig balahibo at tagos sobra sa puso.”

Nagkomento pa si Aya at sinabing “unexpected” ang performance ng choir sa kanyang resto.

aya medel comment

Masuwerte raw siya na personal niyang narinig na kumanta ng world-class Pinoy choir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It was former actress turned chef Aya Medel who inspired the Philippine Madrigal Singers to do an impromptu singing of "Bituing Walang Ningning" at the actress' resto in Albay on September 6, 2022.
PHOTO/S: Facebook (Djai Tanji)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results