Herlene Budol reveals diet is the reason she put off preparations for Miss Planet International

by Jerry Olea
Sep 12, 2022
Herlene Budol on diet
Herlene Budol asks for a 15-day no-diet period before starting her preparations for the Miss Planet International pageant.
PHOTO/S: Herlene Hipon Budol on Facebook

Sa Nobyembre na ang Miss Planet International pageant na gaganapin sa Kampala, Uganda, pero hindi pa raw nagsisimula ang paghahanda ni Herlene Budol.

Nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Rejuviant nitong Setyembre 7, 2022, Miyerkules, aniya, “Preparation ko pagpunta ko dun? Di pa ako nag-i-start, e.

"Pero mag-i-start na po ako. Kasi, nanghihingi po ako ng 15 days na hindi diet.”

Ang diet, bukod sa pagsasanay sa kanyang pasarela, ang itinuturing ni Herlene na pinakamahirap na bahagi ng kanyang preparasyon.

“Kasi, diet po yung kalaban ko talaga! Nakakapraning pala pag puro ka diet. Di ba, buto’t balat ka na, may ikaka-diet ka pa ba dito?!

"Yun yung kalaban ko talaga! Kasi, nakakapanghina, nakakapraning, nakakaluto ng utak!”

Ano ang kinakain niya kapag nagdidiyeta siya?

“Wala. Itlog-itlog lang! Payag ka, itlog lang? Tapos yung utot mo, amoy itlog na rin?!”

Hindi bale, mapera naman siya, madatung, maraming endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabad ng dalaga, “Mamamatay ka naman sa gutom!

"Sabi ng lola ko dati, nung nabubuhay pa, ‘Di baleng mamatay ka sa busog, huwag lang sa gutom, e!’

“Dilat ang mata mo, kagaya nito?!” napapangiwing sambit ni Herlene.

Ano ang una niyang kinain sa 15 days na dedma muna siya sa pagda-diet?

Napangiti si Herlene, “Nag-unli rice ako dun sa Mang Inasal. Pero hindi, ang galing nga, e! Hindi mo na kayang kumain ng madami.

“Akala ko dati, sabi ko, ‘Pagkatapos talaga nitong Binibini, kakain talaga ako ng madaming pagkain!’

“Pero nung kumain ako, siguro naka-isa’t kalahating kanin lang ako. Sayang yung bayad ko.”

Endorser ba siya ng Mang Inasal?

“Hindi! Favorite kasi namin yun ng pamilya ko dahil pag nakita mo ang mga kuya ko, malalakas kasi kumain talaga. O, 5’11”, 5’10”. Pag nagkainan kami, nanay ko lang, pandayo yun, e! Ngayon, mahina na ako kumain. Mga kapatid ko na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tatlong kapatid sa ina si Herlene.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol asks for a 15-day no-diet period before starting her preparations for the Miss Planet International pageant.
PHOTO/S: Herlene Hipon Budol on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results