Estudyanteng namuhunan ng PHP1K sa lettuce farming, kumikita na ng PHP30K-PHP40K a month

Sep 13, 2022
harold zapata lettuce hydroponics
Sinimulan ni Harold Zapata, 22, ang kanyang lettuce farming sa puhunang PHP1,000 last year. Ngayon ay libu-libo ang kanyang kinikita kada buwan.
PHOTO/S: Harold Zapata via YouTube (OG)

Gamit ang PHP1,000, sinimulan ni Harold Zapata ang lettuce farming noong April 2021.

Makalipas lang ang isang taon, ang kita niya ay umaabot na sa PHP30,000-PHP40,000 kada buwan.

Salamat sa hydroponic farming, naparami ni Harold, 22, ang kanyang lettuce sa isang 150-square-meter lot at makeshift greenhouse.

harold zapata lettuce hydroponics

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang greenhouse ni Harold Zapata ay yari sa recycled materials, gaya ng patapong Styrofoam, bakal ng kanyang lumang kama, kawayan, at plastic.

Kilala rin bilang aquaculture, nutriculture, at soilless culture, ang hydroponics ay ang pagpapatubo ng pananim gamit ang nutrient-enriched water, “with or without the mechanical support of an inert medium such as sand, gravel, or perlite,” ayon sa Britannica.com.

Read:

STARTING HIS BUSINESS

Ibinahagi ni Harold, isang fourth year marketing management student, kung paano niya sinimulan ang kanyang negosyo.

“Kinompute ko nga po siguro PHP980 lang po talaga inabot,” aniya sa ulat ng Balita Pilipinas ng One PH.

“Nag-start ako sa isang libo. Takot pa nga akong i-invest yun dahil malaking bagay yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bakit isang libong piso lang ang kanyang naging puhunan?

Ang greenhouse kasi niya ay yari sa mga recycled materials, gaya ng bakal ng kanyang lumang kama, mga patapong Styrofoam na hiningi sa palengke, at mga kawayan sa bakuran na ginamit niyang pundasyon.

Dahil may kamahalan ang UV plastic, naghanap siya ng alternatibo at mas murang plastic na gagamitin bilang cover ng greenhouse.

Ang kanyang pinagkagastusan ay ang binhi, nutrients, at plastic cups na pinaglalagyan ng mga binhi.

lettuce hydroponics

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Harold, “Kahit sa pagtitinda, kinabahan ho ako dahil first time ko ibenta ang sarili kong paninda.

“Nung binenta ko, yun nga, nag-click agad.

“So income ko PHP700 ata yun. ‘Tapos may kinain pa kami pang-samgyupsal."

Kung sa simula ay 50 lettuce heads ang inaani ni Harold kada buwan, ngayon ay umaabot na ito ng 2,000 lettuce heads.

Naghihintay lamang siya ng 25 days para maka-harvest at may kapalit na agad na binhi sa tuwing nagha-harvest.

Supplier na rin siya ng lettuce sa mga grocery stores sa Pampanga.

harold zapata hydroponics

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga magsisimula pa lang ng negosyo, may advice si Harold.

“Hindi naman importante na maganda agad, hindi importante na malaki agad [ang kita].

“Ang importante is yung in love ka sa ginagawa mo, inspired ka na gumising nang maaga, may benta o wala.

“As long as tuluy-tuloy ka, magsa-succeed iyan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinimulan ni Harold Zapata, 22, ang kanyang lettuce farming sa puhunang PHP1,000 last year. Ngayon ay libu-libo ang kanyang kinikita kada buwan.
PHOTO/S: Harold Zapata via YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results