PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Netizens Disapprove Worst Dishes List

"Who cares, opinion nila yan."
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Feb 7, 2023
hotsilog and kinalas
"WE DON'T THINK SO!" Maraming Pilipino ang umalma sa inilabas na list na "50 Worst Dishes in the World," kung saan kasama sa listahan ang Hotsilog at Kinalas.
PHOTO/S: Facebook (Mama's Guide Recipes) / angsarap.net

Maraming Pinoy netizens ang naghayag ng pagkadismaya sa pagkakabilang ng all-time favorite breakfast fare na Hotsilog at Bicolano noodle dish Kinalas sa 50 Worst Dishes in the World list ng Taste Atlas February edition.

Ayon sa listahan, nasa rank #36 ang Hotsilog habang #17 ang Kinalas.

May ilan namang ipinagtanggol ang parehong putahe sa magkakahiwalay na posts sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Facebook post ng isang Bicolano mula sa Naga, “I take offense at the entire list itself—and not just because I’m a Nagueño and we take pride in our Kinalas.

“To assail those dishes as the worst dishes in the world is, in a way, assailing the culture of the people who produce and partake them.”

May isa namang direktang ipinagtanggol ang Hotsilog o ang Pinoy breakfast na combo ng Hotdog (Hot), Sinangag or Fried Rice (Si), at Pritong Itlog (Log).

Ayon sa kanyang post, “Worst dish eh isa nga to sa bumuhay samin nung Senior High at panigurado ngayong college HAHAHA!”

Mainit din ang pagdepensa ng netizens sa Kinalas—sinabawang noodles na may sahog na karne ng baka o baboy na “kinalas” mula sa mga buto at pinakuluan nang mahabang oras.

Ang pinagpakuluan ng karne ang siyang ginagamit sa mainit na sabaw, kung kaya’t malinamnam ang lasa nito.

Nasabi na lamang ng isa, “wew, sarap kaya ng kinalas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mariin ding kinontra ang worst dish ranking ng dalawang putahe ng Naga City Government, at nag-anyayaya na bumisita at subukan ang ipinagmamalaki nilang Bicol dishes.

Caption nito sa FB post: "THE WORST? WE DON'T THINK SO! | Hi friends, come to Naga City and savor our Kinalas — the 17th “worst” food in the world — a beautiful 'disaster' in a bowl."

Kinuwestiyon din ng ibang netizens ang naging criteria ng TasteAtlas sa inilabas nilang list.

Komento ng mga Pinoy, wala silang pakialam list at sa international ranking nito dahil ang mahalaga ay masarap ito para sa kanila.

Komento ng isa sa list: "Who cares opinion nila yan, taste is relative, what is yummy to them may not be yummpy to us so is the other."

Pagsang-ayon ng isa pa, "Who cares about that list?! I'm Pinoy and I like my food."

netizens comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

netizens comment

FILIPINO DISHES oN TASTEATLAS LIST

Malimit gumawa ng ingay ang Taste Atlas tuwing naglalabas ito ng mga listahan na nagra-rank sa mga pagkain bilang Best o Worst base sa iba’t ibang categories.

Naka-base ang ranking sa ratings na ibinibigay ng mga tao sa bawat tradisyonal na pagkain sa buong mundo na nakalista sa website nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sunod-sunod na tweets ng Taste Atlas noong December, 2022, ipinaliwanag nitong depende sa average votes at ratings ng mga pagkain ang ranking.

Ayon sa website nito, ang Taste Atlas “is a world atlas of traditional dishes, local ingredients, and authentic restaurants.”

Malimit ding mapabilang ang ibang putaheng Pinoy sa mga listahan nito.

Kailan lamang, limang local pancit dishes ang nakakuha ng puwesto sa Best Noodle Dishes in the World na inilabas nito noong September 2022.

Read: 5 Pinoy pancit pasok sa Top 50 Best Noodle Dishes in the world

Nakuha din ng Lumpiang Shanghai ang Top 2 spot sa Best 50 Street Foods nang parehong buwan laban sa mga popular na global dishes, tulad ng Shawarma ng Lebanon, Karaage ng Japan, at Tteokbokki ng South Korea.

Read: Lumpiang Shanghai is Top 2 Best Street Food; tinaob ang Karaage, Tteokbokki at Shawarma

Itinanghal ding 19th Best Cuisine in the World noong June 2022 ang lutong Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sinigang na Baboy Top 1 sa best-rated soups in the world list

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"WE DON'T THINK SO!" Maraming Pilipino ang umalma sa inilabas na list na "50 Worst Dishes in the World," kung saan kasama sa listahan ang Hotsilog at Kinalas.
PHOTO/S: Facebook (Mama's Guide Recipes) / angsarap.net
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results