Nakapukaw ng maraming atensiyon sa social media ang magkakaibigan sa Carmen, Cebu, habang hinihintay ang kanilang orders sa Angel’s Burger outlet.
Nagmukha kasi silang nasa classroom habang nakaupo at animo’y nagkaklase, habang nagmistulang teacher nila ang service-crew member na iniluluto ang kanilang orders.
Ipinost ito ni Jarden Concon noong January 6, 2023.
Caption niya rito: “Good Evening Class. Our lesson for today is all about egg sandwich cooking.”
Pangkaraniwan ang eksenang ito sa isa sa pinakasikat na affordable burger chains sa Pilipinas.
Nakabenta na ito ng halos limang bilyong burgers sa mahigit isang libong outlets nito sa nagdaang 25 years.
Ang bilang ng outlets nito ay maaaring itapat sa higit isanlibong outlets ng pinakamalaking fastfood chain sa bansa.
Proud na ibinahagi ng Angel’s Burger co-owner na si Vicky Mojica na nagsimula ang lahat sa isang leap of faith.
Read also:
- SUCCESS STORY: Rados Lechon, Hari ng Tumbong sa Tondo
- Gelli de Belen relates how her sons got into selling biko in Canada as a side hustle
FAILED BUSINESSES BEFORE ANGEL’S BURGER
Iniwan ni Vicky ang kanyang day job sa isang bangko upang magsimula ng mga negosyo, katuwang ang kanyang asawang si Joseph, na isa ring bank employee.
Bagamat hindi naging matagumpay ang kanilang naunang ventures, kabilang ang pag-franchise ng isang burger chain, hindi sumuko ang mag-asawa sa pag-asang magtatagumpay asila sa sariling negosyo.
Ang lahat ng mga ventures nila ay isinunod sa pangalan ng kanilang mga anak.
Sinubukan nila ang mga negosyong goto at bulalo, pero hindi pumatok ang mga ito.
Hindi nila isinuko ang franchise nila sa burger joint dahil maganda ang kita nila rito.
Nagpaalam ang mag-asawa sa franchise holder na bubukod na sila at magtatayo ng sarili nilang burger business. Pinayagan sila.
Itinatag nila ang Angel’s Burger noong 1997. Kapapanganak pa lamang ni Vicky sa ikatlong anak na si Angelica.
Ilang buwang pinagpaguran ng mag-asawa upang ma-perfect ang recipe ng kanilang burger.
Ang akala nina Vicky ay magiging madali ang lahat, pero nagkamali sila. Maraming pagsubok na pinagdaanan.
May gustong bumili ng kanilang burger business, na noon ay may 13 branches, sa halagang isang milyong piso, pero hindi sila pumayag.
Dahil hindi pumapatok ang kanilang burger business, ipina-manage ito sa kapatid ni Joseph at nagdesisyon ang mag-asawa na tumungong Amerika. Baka roon daw sila suwertehin.
At nangyari nga na ang pagtatrabaho nila sa ibang bansa ang magpapabago pala ng kanilang kapalaran.
Naka-jackpot si Vicky sa slot machine sa Las Vegas at nanalo ng $10,000 o katumbas ng PHP500,000.
Kuwento ni Vicky sa interview ni Toni Gonzaga nitong March 5, 2023, $20 (PHP1,000) na lamang ang natitirang pera niya noon, pero kinumbinse siya ng pinsan ng kanyang mister na subukan ang suwerte sa The Strip, sa Las Vegas.
Isinugal ni Vicky ang natitirang $20 dollars sa slot machine na tig-25 cents bawat hulog.
Sa pang-apat na subok, nagsigawan ang mga taong nakapaligid sa kanya.
Isang kapwa Pilipina ang nagsabi kay Vicky na nanalo siya.
Imbes na gastusin ang napanalunan, nagdesisyon sina Vicky at Joseph na umuwi na sa Pilipinas at gamitin ang premyo para mapalago ang kanilang burger business.
Dito nila naisipang mag-offer ng “Buy 1 Take 1” burgers bilang marketing strategy.
Pahayag ni Joseph sa article na nalathala sa greatfoodsolutions.com, “Gusto kasi ng mga tao yung buy one take one, sulit—masarap na, mura pa.”
THE BUSINESS TAKES OFF
Dito na nga nagsimulang mag-take off ang kanilang business.

May iba pa silang businesses bukod sa Angel’s Burger, na ngayon ay mina-manage na ng mga anak nina Vicky at Joseph na sina Carlo Angelo, Jose Manuel, Angelica, at Patricia.
Isa na rito ang Casa Mojica, ang bagong dining concept na itinatag sa heritage home na itinayo ni Architect Ramon Antonio sa Marikina City.
Tribute ito sa Kapampangan heritage ni Vicky at ng kanyang inang si Flordeliza De Leon.
Bida rito ang heirloom recipes at culinary traditions na nakalakihan ng mga batang Mojica.
Hindi naman kaila na may reputasyon ang mga Kapampangan na mahusay magluto. Katunayan, ang Pampanga ang tinaguriang Culinary Capital ng Pilipinas.
Ilan sa bestsellers ng Casa Mojica ay ang Sisig ni Jose, Kare-Kare ni Lola Flordeliza, at Florencia’s Rice.