PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toblerone Removes Matterhorn Logo

Ang Toblerone ay ginagawa sa Switzerland, pero gagawa na rin sa Slovakia.
by Bernie V. Franco
Published Mar 10, 2023
toblerone
Markado ang packaging ng Toblerone dahil sa larawan ng Matterhorn mountain, na national symbol sa Switzerland. Pero tatanggalin na ang logo na ito at papalitan na rin ang packaging. Bakit?
PHOTO/S: Facebook (Toblerone)

Magkakaroon ng pagbabago sa packaging at logo ng kilalang Swiss chocolate na Toblerone, ang triangular-shaped chocolate bar, na unang inilabas noong 1908.

Sa mga fans ng chocolate, markado ang packaging ng Toblerone dahil sa Matterhorn mountain logo, kung saan isinunod ang shape ng chocolate.

Read also: Bohol's chocolate princess proud daughter of streetsweeper, tricyle driver with 5 successful kids

Ang Matterhorn ang pinakasikat na Swiss mountain sa Alpine panorama ng Switzerland, at isa ring national symbol na makikita sa packaging ng chocolate brand.

Ayon sa Business Insider, kinumpirma ng Mondelez International Inc., ang U.S. parent company na nagmamay-ari ng Toblerone, na ililipat sa Slovakia ang ibang paggawa ng Toblerone chocolate.

toblerone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung gagawin ang ibang chocolate sa Slovakia, nangangahulugang hindi nito mami-meet ang legal definition ng “Swissness” ng Switzerland, na unang iniulat ng Aargauer Zeitung, isang Swiss media outlet.

May Swiss law kasi na inilabas noong 2017 para mapangalagaan ang “Swissness” ng mga produktong galing na sa Switzerland.

Sa batas na ito, kapag ang food product ay “made in Switzerland,” dapat ang 80 percent raw ingredients nito ay mula sa Switzerland.

Sabi ng Business Insider, ang milk at dairy products na “made in Switzerland” ay dapat manggaling sa Switzerland.

Toblerone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May exemptions naman sa raw ingredients na hindi napoprodyus sa Switzerland, gaya ng cocoa, na nagmumula sa Africa.

Saklaw rin ng Swiss law ang paggamit ng Swiss symbols, kabilang ang mga may kinalaman sa geographical territory.

So ano ang magiging hitsura ng bagong Toblerone packaging?

MODERN AND STREAMLINED LOGO

Binanggit sa ulat ng BBC na tatanggalin na ang Matterhorn logo, at papalitan ng Mondelez ng “more generic summit.”

Paliwanag ng Mondelez, nagdesisyon silang gawin ang paggawa ng ibang chocolates sa Slovakia dahil sa lumalaking demand sa kanilang produkto, at para mas palaguin ang kanilang brand.

Ayon pa sa ulat ng BBC, sasailalim ang Toblerone packaging sa labelling revamp, at ilalagay rito ang pirma ng founder na si Theodore Tober.

Ang packaging ay mas magiging “more modern and streamlined design.”

Tatanggalin na rin umano ang “made in Switzerland” at papalitan ito ng “established in Switzerland."

"For legal reasons, we have to adapt our packaging to the Swissness legislation and, among other things, remove the Swissness notice on the front of the Toblerone pack," ayon sa statement ng Mondelez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markado ang packaging ng Toblerone dahil sa larawan ng Matterhorn mountain, na national symbol sa Switzerland. Pero tatanggalin na ang logo na ito at papalitan na rin ang packaging. Bakit?
PHOTO/S: Facebook (Toblerone)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results