Popular ngayon sa mga mahihilig sa champorado at iba pang snacks ang Angelique & Jhon Meryenda dahil sa inio-offer nito na iba’t ibang flavors ng champorado.
Matatagpuan ito sa Barangay 28, Landaska Block 2, Caloocan City.
Para hindi kayo maligaw sakaling gusto ninyong puntahan, malapit ito sa Dagat-Dagatan Avenue.
Read also: Store owner may pa-free snacks sa mga estudyanteng perfect sa exam

Read also: Meet Ponsyana ng Pangasinan: office secretary na naging full-time vlogger
Ang maliit na snack house ay itinampok ng Philippine Information Agency last April 19, 2023, bilang bahagi ng selebrasyon ng Filipino Food Month.
Sa panayam ng PIA kay Angelique, sinabi niyang noong una ay sinubukan din nilang magtayo ng ibang food business, pero hindi naging matagumpay.
Aniya, "Nagtinda rin kami ng ibang pagkain, gaya ng tapsilog, pero masyadong nakakapagod dahil kailangang tutukang mabuti.
“Ubos na nga yung oras namin, halos hindi rin naman kami kumikita.”
Dahil nasa food business ang passion nina Angelique at John, sinubukan naman nilang magtinda ng meryenda.
Read also: Meet Tatay Danilo: from encyclopedia vendor to “hari ng pares”
Kabilang sa kanilang inio-offer noon ang maja blanca, sopas, ginatang mais, at palabok.
Sa halos apat na taon nilang pagtitinda, nakikipagsabayan sila sa mga kakumpitensya at kalapit na puwesto.
“Noong una, may merienda na po kami, kaso di po pinapansin.
“May kalaban ako, siya talaga yung mabili. Ako talaga, di pinapansin.”
Naisip nilang dagdagan ang kanilang produkto ng champorado.
Read also: Largest “wearable cake wedding dress” pasok sa Guinness World Records

Tatlong flavor ang kanilang inihanda; una ay ang Hershey’s choco para sa mga tradisyunal ang panlasa at mas gusto ang original na timpla ng tsokolate sa champorado.
Ube naman ang timpla ng pangalawa.
Pandan naman ang pangatlo.
Nai-post din niya ang champorado sa isang Facebook Group. Noong time kasi na simulan nila ang pagtitinda ay panahon din ng pandemic.
Read also: Vicky Mojica napalago ang Angel's Burger, salamat sa slot machine jackpot!
Nagbago ang sitwasyon nang magsimulang matikman ng mga parokyano ang kanilang champorado.
“Yun... marami nang bumabalik. Marami na po ang tumatawag at nag-o-order.”
Pagbabahagi pa niya, walang sikreto sa resipe ng kanilang champorado.
“Basta masaya lang pag nagluluto at sa pagse-serve sa mga bumibili.”
Ayon pa kay Angelique, malaking sakripisyo ang pagpapatakbo ng food business maliit man ito o malaki.

Read also: Tikman! Katakam-takam na crocodile lechon ng Davao
Nagsisimula ang kanilang preparasyon bandang 5:00 a.m. at buong umaga silang nagluluto.
Ang isang order ng champorado nina Angelique ay PHP25.
At kung gaano kabenta ang kanilang champorado—nakapagluluto sila ng 22 malalaking kaldero araw-araw.
Read also: Pinoy netizens di aprub na kabilang ang hotsilog at Kinalas sa Worst Dishes in the World
Open ang kanilang puwesto mula 2:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.
Paalala lang sa mga gustong tikman ang champorado nina Angelique, laging mahaba ang pila ng mga customers dahil alas dose pa lang ng tanghali ay marami na ang naghihintay.
Hindi na rin muna sila tumatanggap sa ngayon ng online orders para mapagbigyan ang mga walk-in customers.
Read also: Favorite cookware set nina Small Laude at Sharon Cuneta, higit PHP100K ang halaga