PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef

"Complete meal"
by KC Cordero
Published Feb 23, 2024
Photos of the pink rice
Ang mga butil ng bagong “pink rice” ay may mas mataaas na eight percent ng protein at mas mataas na seven percent ng fat kumpara sa regular rice. Lasang beef na rin ito kapag naluto kaya di na kailangan ng ulam pag kinain.

Isa ang rice sa pinakamasustansiyang pagkain sa mundo.

At dahil sa isinasagawang “scientific magic” ng mga scientists sa Yonsei University ng South Korea, posibleng sa malapit na hinaharap ay kainin ito nang hindi na kailangan ng ulam.

Sa isinagawang pananaliksik ng mga scientists, nakalikha sila ng rice hybrid na hinaluan ng beef protein at fat cells.

Ang bagong “pink rice” ay may mas mataaas na percentage ng protein (eight percent), a ng fat (seven percent).

Aminado ang mga scientists na ang pink rice ay hindi pa talaga lasang beef—sa ngayon.

Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution

Photo of the pink rice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "World's most frugal millionaire" spends less than PHP1K monthly; has 10 houses, millions in the bank

Pero taglay na umano nito ang “unique blend of aromas, including a slight nuttiness and umami which are characteristic of meat.”

Pagtataya ng mga scientists, sa pamamagitan ng integrated animal cells, darating ang panahon na ang bagong pink rice ay magiging complete meal at hindi na kailangan ng ulam.

At dahil dito, magkakaroon ng sapat at pangmatagalang supply ng pagkain sa buong mundo.

“Imagine obtaining all the nutrients we need from cell-cultured protein rice,” ayon kay Park So-hyeon, co-author ng isinagawang research para sa pink rice na nalathala kamakailan sa Matter scientific journal.

“Rice already has a high nutrient level, but adding cells from livestock can further boost it.”

Read: How often do you have to clean your tumbler? Expert says it should be "daily"

ANG PROSESO PARA MA-DEVELOP ANG PINK RICE

Paano nagawa ng mga scientists na makapag-implant ng beef sa rice?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga laboratory-grown cells ay nangangailangan ng artificial platforms para makalikha ng tissue.

Para sa mga researchers ng Yonsei University, ang porous o absorbent nature ng rice ay ideal para maging balangkas sa paglikha ng kinakailangan nilang bagong tissue.

Binalutan ng fish gelatin ang rice grains para manuot sa bawat butil ang beef cells.

Hinayaang mag-culture ang mga ito sa isang petri dish sa loob ng 11 days.

Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers

Photo of the pink rice

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?

Ang na-develop na bagong hybrid rice ay may bright pink—at gaya ng nabanggit ay nagtataglay ng eight percent more protein and seven percent more fat kumpara sa regular rice.

Ang mga butil nito ay mas firm and brittle kumpara sa natural grains.

Kapag niluto, taglay naman ng pink rice ang traditional appearance ng kanin.

Ayon sa mga scientists, ang lasa ng pink rice ay nag-o-offer ng “pleasant and novel flavor experience.”

At dahil hindi pa ito talaga sobrang kalasa ng beef, masarap itong kainin kasabay ng iba’t ibang ulam.

Sa kanilang unang eksperimento, gumamit ang mga scientists ng cells mula sa karne ng hanwoo cattle—isang uri ng baka sa South Korea.

Sa mga susunod na eksperimento ay plano nilang gumamit ng pangmatagalang source ng cells na maaari nilang i-maintain sa kanilang laboratoryo.

Susubukan din nilang haluan ang rice ng iba pang klase ng karne o ng isda para ma-cater ang mga consumers na may iba’t ibang panlasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

IDE-DEVELOP PA BAGO IBENTA SA MERKADO

Sa ngayon, ang percentage ng protein sa pink rice ay mababa pa rin.

Sa mga susunod nilang experiments, sisikapin ng mga scientists na mas maitaas pa ang percentage ng protein para maging complete meal ito.

Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024

Photo of the pink rice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Plano rin nilang pagandahin muna ang proseso kung paano mas mapapalaki ang cells sa rice grain o palay para sa karagdagang nutritional value.

Ayon kay Park, “Now I see a world of possibilities for this grain-based hybrid food.

“It could one day serve as food relief for famine, military ration, or even space food.”

Read: Meet "average student" Janelle Fauni, Top 1 in midwifery exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga butil ng bagong “pink rice” ay may mas mataaas na eight percent ng protein at mas mataas na seven percent ng fat kumpara sa regular rice. Lasang beef na rin ito kapag naluto kaya di na kailangan ng ulam pag kinain.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results