Ang To’ak chocolate na matatagpuan lamang sa 14 farms sa Piedra de Plata Valley sa Ecuador ang ginagamit na cacao nuts sa itinuturing na “world’s most valuable chocolate.”
Ang presyo ng 50-gram bar ng To’ak chocolate ay nagkakahalaga ng US$490 o PHP27,538.49.

Pero ayaw ng manufacturer ng To’ak na makilala ang produkto dahil lamang sa mahal na presyo nito.
Ayon kay Jerry Toth, co-founder ng To’ak noong 2013, sa isa sa mga artikulong naka-post sa website ng kumpanya, mas gusto niyang tawagin na "most valuable chocolate" ang produkto sa halip na most expensive.
Paliwanag niya, “Price is just a means to an end.
“At the end of the day, what we’re really trying to do is create for the world something utterly unique and beautiful, something that transcends merely being an expensive chocolate bar and enters into the realm of experience.”
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
FACTORS KUNG BAKIT MAHAL ANG TO'AK CHOCOLATE
Pero bakit nga ba espesyal ang To’ak at hindi manghihinayang ang isang chocolate lover na gumastos nang malaki matikman lang ito?
Unang-una, gumagamit ang kumpanya ng finest Nacional cacao, isang ancient variety na itinuring nang extinct noong 2009.

Gayunpaman, natagpuan ng To’ak ang ilan sa pinakamatandang taniman ng cacao sa buong mundo na nasa Piedra de Plata Valley.
Sa pamamagitan ng DNA analysis, natuklasan na ang variety ng itinatanim at hina-harvest sa naturang valley ay 100 porsiyento na Nacional cacao.

Pinamakamataas ding magbayad ang To’ak sa buong mundo pagdating sa mga beterano at piling magtatanim ng cacao para matiyak na maganda ang magiging bunga at ani.
Read: How much it costs to dine at Louis Vuitton's newest Thailand resto
AGING PROCESS NG TO'AK CHOCOLATE, PARANG SA ALAK DIN
Manu-mano o ang mga mismong nagtanim at nag-ani ng cacao ang pumipili sa mga butil para matiyak na ang may mga pinakamagandang kalidad ang isasama lang sa processing stage.

Maselan din ang chocolate aging process ng To’ak na kahalintulad ng kung paano ang aging process ng mga alak, gaya ng whisky at cognac.
Paliwanag ni Toth, “When whisky is stored in an oak barrel, it extracts these chemical compounds from the wood and draws them into the whisky, which imparts flavor and color.”
Ganito rin aniya ang nangyayari sa aging process ng chocolate sa wood barrels.
“Even in solid form, chocolate has an interesting advantage in extracting flavor and aroma from the wood: namely, the absorptive oils that are naturally present in cacao.”
Read: Love's Happy Ending: Wedding proposal bashed as "so poor"; companies pitch in for grand wedding
Nag-eksperimento ang To’ak ng aging techniques sa pamamagitan ng paglalagay ng chocolate sa wood barrels na mula sa iba’t ibang uri ng kahoy.
Isinagawa rin ito gamit ang Ecuadorian wood containers.
Ang chocolate aging process ng To’ak ay tumatagal ng ilang buwan hanggang walong taon.
Hinahaluan din ng kumpanya ang chocolate ng aromatic compounds, gaya ng Cambodian Kampot pepper, Ecuadorian Palo Santo wood, at Galapagos orange.
Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs
MORE EXPERIMENTS PARA MAS SUMARAP ANG TO'AK CHOCOLATE
Patuloy rin ang eksperimento ng To’ak ng iba pang paraan kung paano mas mapapasarap ang flavor ng chocolate nito.
Hindi rin basta-basta ang packaging ng To’ak chocolate.
Ang containers nito ay hand-made wood.

Ipinagmamalaki ng Ecuadorian company na hindi lang masarap na chocolate ang matitikman sa mga produkto nito kundi maging ang complex experience kung paano ito ginawa.
Kaya naman okey lang sa mga customer nito na magbayad ng mahal, matikman lang ang mga chocolate ng To’ak.
Read: Korean food vlogger Tzuyang apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
Ang presyo ng To’ak chocolate depende sa timbang ay nagsisimula sa US$60 o PHP3,372.06.
Ang pinakamahal ay nasa PHP27,538.49.
Hindi ito ibinebenta sa mga local supermarket, pero maaaring mag-order sa website ng To’ak.
Read: Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef
