PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Devoney Scarfe, amazing pie artist

“Too-cool-to-eat pies”
by KC Cordero
Published May 27, 2024
Devoney Scarfe and one of her pie arts
Bilang isang full-time mom at pie artist, malaki ang interes ni Devoney Scarfey sa aniya ay “grey area where art meets food.” (Photos courtesy of @devoneybakes on Instagram)

Mahilig ka bang kumain ng pie?

Siguro, mas lalo kang gaganahang kumain nito kung ang matitikman mo ay ang pie ni Devoney Scarfe ng Auckland, Australia.

Bukod sa masarap ang inihahandang pie ni Devoney, nilalagyan din niya ito ng artworks ng celebrities, animal portraits, whimsical scenes, at kung minsan ay mga nakatatawang quotes.

Devoney Scarfe in the kitchen
Si Devoney Scarfe habang naghahanda sa paggawa ng pie art. (Photo/@devoneybakes on Instagram)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pie art ni Devoney ay maituturing na mga obra maestra dahil sa husay niyang mag-drawing sa kanyang kakaibang canvas.

Dragon design pie by Devoney Scarfe
Isa sa mga pie arts ni Devoney Scarfe. Ang disenyo ay isang dragon, Photo/@devoneybakes on Instagram.

Nagtatrabaho si Devoney bilang part-time creative director sa advertising agency ng kanyang mister.

Nagsimula naman siyang mag-aral ng food art bilang hobby tuwing nasa bahay siya at ginagampanan ang role niya bilang full-time mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

DEVONEY SCARFE PALPAK ANG UNANG TRY BILANG PIE ARTIST

Pero dumaan muna si Devoney sa tral and error bago na-perfect ang obra.

Aniya, palpak ang kanyang mga unang pie art.

Pero hindi siya na-discourage at ipinagpatuloy ang pagpa-practice.

Na-experiment din siya ng mga bagong techniques at mga disenyo, hanggang sa unti-unti ay nag-improve ang kanyang skills bilang pie artist.

Isa sa kanyang breakthrough moments bilang food artist ay ang ginawa niyang pie art nang pumanaw si Queen Elizabeth ng England noong 2022.

Devoney Scarfe's Queen El.izabeth pie
Ang pie art ni Devoney Scarfe ng mukha ni Queen Elizabeth. Photo/@devoneybakes on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang disenyo ng mukha ng reyna ay inabot ng ilang araw bago natapos ni Devoney.

Napakaganda ng naging resulta ng “too-cool-to-eat pie” na may mukha ni Queen Elizabeth at naging viral.

Dahil dito, dumami ang kanyang followers sa social media.

Pagbabahagi ni Devoney sa naging panayam sa kanya noon ng Stuff Magazine kung bakit niya ginawa ang monarch-themed pie, “The other day I was like, ‘Oh my God. I know how to do it’ and then I heard that the Queen had died, and I was like, ‘I’m gonna do the Queen!’

“I’ve worked out a few tricks, and I feel pleased with this finally.”

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

PROSESO NI DEVONEY SCARFE BILANG PIE ARTIST, METIKULOSO

Idinetalye rin ni Devoney ang kanyang mga proseso sa paggawa ng pie art.

Inaabot daw siya ng isang linggo bago makakumpleto ng isa.

Madali lang umano ang gumawa ng dough, pero kailangan niya itong ilagay muna sa refrigerator sa loob ng 24 oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos, sisimulan na niya ang pagkokorte sa pie, paglililok ng artwork, at saka niya ibe-bake.

Devoney Scarfe's pie design
Maselan at masalimuot ang mga proseso ni Devoney Scarfe ng kanyang pie arts simula pa lang sa dough at paghuhulma ng pinakadisenyo. Photo/@devoneybakes on Instagram.

Kapag na-bake na niya, saka naman niya lalagyan ng mga kulay gamit ang food coloring ang nililok niyang artwork sa pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kapag nagkamali siya, balik uli siya sa umpisa at mauuwi sa wala ang ilang araw na pinagpaguran na niya.

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok

DEVONEY SCARFE, LAGING MAY BAGONG NATUTUTUNAN

Sa mga nakalipas na taon, iba’t ibang challenges na ang napagdaanan ni Devoney bilang pie artist.

Nakabisado na rin niya ang mga technicalities at natuklasan ang mga paraan para hindi masira o mag-crack ang artwork na inilalagay niya sa dough.

Aniya, sa loob ng mahigit isang taon ng trial and error, lagi pa rin siyang may bagong natututunan.

Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping

Sa ngayon, satisfied na siya sa kanyang level of work at na-acquire na skill set sa paggawa ng pie art.

Aniya, “I’m really interested in that grey area where art meets food.

“I find that quite fascinating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung iniisip ninyo kung ano ang nangyayari sa mga katakam-takam na pie na ginagawa ni Devoney matapos niyang makunan ng larawan at mga video at mai-upload sa kanyang social media accounts partikular sa Instagram, wala aniyang natitira sa mga ito dahil laging inuubos ng kanyang dalawang anak.

Biro niya, laging gutom daw ang kanyang teenage sons kapag nakikita ang kanyang creations.

“You just have to shovel food into them.”

Ang mga pie arts ni Devoney ay na-feature na sa The Guardian, Buzzfeed, Vice, The Spinoff, at sa Taste, Cuisine & Gourmet Traveler Magazine.

Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang isang full-time mom at pie artist, malaki ang interes ni Devoney Scarfey sa aniya ay “grey area where art meets food.” (Photos courtesy of @devoneybakes on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results