Proud si Maris Racal, 26, sa paglago ng kanyang coffee shop sa Surftown, La Union, ang SOC: Stream of Consciousness Coffee.
Matatagpuan ito sa Port San Juan, isang marketplace na pag-aari ng boyfriend niyang si Rico Blanco, 51.
Ito ang kauna-unahang business venture ni Maris na nilunsad niya halos isang taon na ang nakararaan.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagbigay ng update si Maris sa karanasan niya bilang coffee shop owner.
"Ang shop ko po sa La Union ay sobrang sobrang blessed, ang daming nagpupunta, ang daming dumadayo, so grateful ako sa mga loyal customers namin," nakangiting saad ni Maris.
Co-owner si Maris, at kasama niya sa negosyo ang mga kaibigan ni Rico.
"Nag-hook up ako with friends of Rico. Sila talaga ang mga nasa steering wheel.
"Ako, sumakay ako as an entry level pa lang na business. I was just at the backseat— nago-observe sa kanila how they work.
"Very hands on sila, and now na na-open yung eyes ko dun."
Read: Maris Racal: "Pinagkakitaan ko mga ginawa sa akin."
WHAT MARIS RACAL LEARNED ABOUT BUSINESS
Ano ang natutunan niya sa kanila?
Sagot ni Maris: "Hindi pala basta-basta ang business. Kailangan mo siyang mahalin.
"At hindi lang yung business mo, you have to be really good with people.”
Gaano kalaki yung investment share niya sa coffee shop?
"Ito, conservative pa lang, hindi pa todo. Hindi pa ako nag-all out, conservative pa lang," pag-amin ni Maris.
Bukod sa coffee shop, may iba pang investment si Maris.
"Ngayon I invest in stocks and may mga time deposits, mga ganun.
"Sorry kasi hindi ko alam yung tamang term, but I invested my money somewhere.”
Read: DJ Mo claims Angelicopter dumped him on their wedding anniversary
MARIS RACAL ON SHOWBIZ CAREER
Sa ngayon, wala pa raw balak si Maris na magtayo ng iba pang negosyo.
"Ngayon kasi my product is myself so I invested in myself talaga," saad niya tungkol sa kanyang pag-aartista.
"So, para mas lumago pa sa industriya, focus muna sa career, sa sarili.
"And actually itong other business ventures, dahil ‘to sa mga friends and connections and I am very, very grateful for them."
Abala si Maris sa paggawa ng pelikula nila ni Anthony Jennings. Pumatok ang love team nilang MaThon sa defunct Kapamilya series na Can't Buy Me Love.