PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

Sobrang simple kasing gawin at napakasarap!
by KC Cordero
Published Sep 12, 2024
Logan Moffitt and his viral cucumber salad
Para sa TikTok content creator na si Logan Moffitt, sumikat ang kanyang cucumber salad videos dahil bukod sa napakasarap ay sobrang simple lang gawin. (Photos courtesy of @LogagM on TikTok)

Naging viral ang TikTok videos ng Canadian content creator na si Logan Moffitt kung saan makikita siyang gumagawa ng cucumber salad.

Bukod sa umani sila ng milyun-milyong views, sinasabing naging dahilan din kung bakit nagkaroon ng shortage ng pipino o cucumber sa Iceland.

Napakarami kasing gumagaya sa mga recipes ni Logan.

Read: Meet Devoney Scarfe, amazing pie artist

Logan Moffitt with cucumbers
Viral ang mga videos ni Logan Moffitt tungkol sa paggawa ng cucumber salad. Photo: Screenshot at Ottawa Citizen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TikTok creator na may username na @LogagM ay may mahigit six million followers sa naturang platform.

Sinimulan niyang gumawa ng cucumber salad content nito lamang July 2024.

Nang maging popular, sinundan pa niya iyon ng katulad na content na hanggang ngayon ay nakakakuha pa rin ng million views.

Read: Meet Abi Marquez, Internet’s “Lumpia Queen”

why logan's CUCUMBER SALAD VIDEOS became popular

Sa panayam kay Logan ng Fox News Digital na nalathala noong September 2, sinabi niyang naging popular ang mga cucumber-salad videos dahil super simple at sobrang bilis lang gawin.

Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic

Logan Moffitt showing how to make cucumber salad
Simple lang ang procedures ng paggawa ng cucumber salad ni Logan Moffitt. Photo: Screenshot @LogagM on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pare-pareho rin lang ang mga steps pero magkakaiba ang mga sangkap.

Sa bawat video ay makikita si Logan na may hawak na cucumber.

Standard din ang kanyang opening line na: "Sometimes you need to eat an entire cucumber. Let me show you the best way to do it."

Pagkatapos ay maglalabas siya ng deli container.

Ipapatong niya roon ang isang mandoline slicer, at saka hihiwain ang cucumber na diretsong bumabagsak sa deli container.

Ipinapaalala rin ni Logan sa mga nanonood ng kanyang video na mag-ingat sa paggamit ng mandoline slicer dahil masyado itong matalas.

Read: Why To’ak is considered the “world’s most valuable chocolate"

The content creator adding ingredients to sliced cucumber
Hindi makalat ang paggawa ng cucumber salad ni Logan dahil sa deli container na lang niya iyon pinuproseso. Photo: Screenshot @LogagM on TikTok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kapag natapos nang mahiwa ang cucumber, lalagyan niya iyon ng iba’t ibang ingredients.

Ilalagay niya ang takip ng deli container saka aalugin ang cucumber sa loob at ang idinagdag niyang mga sangkap.

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs

The finished cucumber salad
Sa deli container na rin mismo nilalagyan ni Logan Moffitt ng ingredients ang hiniwang pipino saka aalugin—at presto—gawa na ang cucumber salad. Photo: Screenshot at Logan Moffitt
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag naalog na niyang mabuti, ipakikita niya sa viewers ang ginawang cucumber salad—na mukhang katakam-takam.

Tatapusin ni Logan ang video habang tinitikman ang ginawang cucumber salad.

Aniya, sa dami na ng kanyang nagawang cucumber salad, ang paborito niya ay ang salmon cream cheese recipe.

Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years

Sa panayam ay sinabi rin ni Logan na matagal na siyang gumagawa ng cucumber salad, pero kailan lang niya naisipan na gawing content.

Gusto lang niyang idokumento ang bawat pagtatangka sa pag-e-experiment ng iba’t ibang recipes.

Sinamantala rin umano niya ang pagkakataon habang marami pang nabibiling cucumber sa merkado.

Aniya, seasonal ang cucumber at dagsa ito kapag summer—na para kay Logan ay “the perfect time to have some cucumber salad.”

Karamihan sa kanyang cucumber salad variations ay inspired ng Asian food.

At gamit ang iba't ibang ingredients, na-explore niya ang paggawa ng jalapeño popper cucumbers, chipotle cucumbers, at sushi cucumbers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Delivery rider eats customer’s food without permission

Logan Moffitt loves Cooking

Sa halip na gumamit ng mga tradisyunal na recipe at eksaktong sukat ng mga ingredients sa kanyang cucumber salads, nagre-rely si Logan sa kanyang panlasa at karanasan sa pagluluto.

"Focusing on your taste rather than an exact recipe makes cooking super fun."

Read: Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef

Logan Moffitt showing the finished cucumber salad
Depende sa panlasa ni Logan Moffitt kung paano niya timplahan ang kanyang cucumber salad. Photo: Screenshot @LogagM on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, bagaman at hindi siya nag-aral ng culinary arts, simula pagkabata ay mahilig na siyang manood ng YouTube tutorials, partikular ang mga tungkol sa pagluluto ng mga sikat na chefs.

Araw-araw rin siyang nagluluto ng hapunan para sa kanyang pamilya.

Read: VIRAL: Chinese guy eating burger packed with mealworms

VIRAL VIDEOS CAuse cucumber SHORTAGE in ICELAND

Iniulat naman ng BBC noong August na sinabi ng SFG, isang asosasyon ng mga farmers sa Iceland, na nagkaroon ng shortage ng cucumber sa bansa simula nang sumikat sa Tiktok ang mga salad videos ni Logan.

For the first time, hindi umano matugunan ng SFG ang mataas na demand para sa cucumber.

Isa ring Icelandic supermarket chain ang nagsabing nadoble ang benta ng cucumber mula nang sumikat ang mga salad recipes ni Logan.

Maging ang mga ingredients—gaya ng sesame oil at chili oil— ay tumaas din ang demand.

Read: “John Wick” spotted in Thailand

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 26, matapos malaman ang tungkol sa shortage ng cucumber sa Iceland ay nag-post ng maikling video si Logan.

Aniya, marami ang nagtatanong kung ilang cucumber ang binibili niya kada linggo—at baka umano iyon ang dahilan kaya wala nang mabili sa Iceland.

Ang video ay nilagyan niya ng caption na: “Cucumber haul!”

"A lot of you guys have been asking me how many cucumbers I buy in a week, so let's count them out!

"Seventeen cucumbers," aniya matapos bilangin ang mga cucumber na nasa kanyang harapan.

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Marami namang netizens ang nagkokomento sa mga videos ni Logan.

Tila naging online community board ng mga salad enthusiasts ang kanyang Tiktok account.

Isang netizen ang naging fan ni Logan matapos nitong subukan ang salmon bagel cucumber recipe ng content creator.

Anito, "You've somehow romanticized cucumbers, and I love that for you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit naman ng isa pang netizen, “I don't even like cucumbers, but still find myself watching the whole video every time."

Read: Burger bought in 1995 remains intact

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa TikTok content creator na si Logan Moffitt, sumikat ang kanyang cucumber salad videos dahil bukod sa napakasarap ay sobrang simple lang gawin. (Photos courtesy of @LogagM on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results