Kamakailan, nag-viral sa Japanese social media ang mga larawan ng mga nilagang itlog na kulay white ang yolk sa halip na yellow.
Marami ang nagduda kung totoo ba sila o digitally altered lang.
Nagsimula ang lahat sa tweet ng user na si Tsuda Junko sa X (formerly Twitter) last August 27, 2024.
May kalakip itong larawan ng nilagang itlog na hinati sa dalawa, at makikitang puti ang yolk.
Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out

Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels
Si Tsuda ay editor-in-chief ng online magazine na Design no Hikidashi.
At maging siya ay nagpahayag ng pagkamangha.
Saad niya sa caption: “The eggs I bought in Okinawa had white yolks because the eggs were eaten with rice, but I never imagined they would be this pure white!”
Narinig na rin umano niya ang tungkol sa variety na ito ng Okinawa eggs na may white yolk, pero nang makita niya nang aktuwal ay hindi siya makapaniwala.
Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino
PAANO NAPO-PRODUCE ANG WHITE-YOLK EGGS?
Ang tweet ni Tsuda ay walang kalakip na mga impormasyon kung bakit white ang yolk ng itlog o kung nagiging puti lang ba iyon kapag naluto na.
Nang mag-viral na ang kanyang tweet, isang X user ang nagpaliwanag na ang white-yolk eggs ay tinatawag na “Shirotama.”
Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

Read: Cafe owner goes viral for looking incredibly young at 52
Nagmumula umano ito sa Nakamura Horticultural Farm sa Itoman City, Okinawa, isang kilalang chicken farm sa Japan.
Paliwanag pa ng X user, ang kakaibang kulay ng egg yolk ay dahil sa regular na pagpapatuka sa mga manok ng bigas—at wala nang iba pa.
Iyon ang nagiging sanhi kaya nagiging white ang yolk ng itlog kapag luto na.
Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize
WHITE-YOLK EGGS PATOK SA PAGLULUTO NG OMELET
Sa ngayon, ang ganitong white-yolk eggs ay karaniwang ginagamit sa pagluluto ng white Omurice (rice omelet) at white tamagoyaki (rolled omelet).
Regular din itong ibinibenta sa egg section ng Itoman Market, ang pinakamalaking agricultural market sa Itoman City sa Okinawa.
Read: Delivery rider eats customer’s food without permission
Isa ring X user na sinubukang magluto ng white-yolk eggs ang nagsabing sa kabila ng appearance nito, halos pareho rin ang lasa at linamnam gaya ng regular egg.
Ibinahagi rin nito na kahit na-marinate na ang itlog sa soy sauce para gumawa ng ajitama (Japanese soft boiled eggs soaked in a sweetened soy marinade), ang yolk ay nananatiling puti ang kulay.
