May bakeshop sa Pampanga na kilala sa ibinibenta nitong cheese bread.
Nakakabenta ito ng 8,000 hanggang 10,000 pieces o 300 boxes ng cheese bread araw-araw
Ang bawat kahon ay naglalaman ng 30 pieces of cheese bread, o kaya ay 10 Spanish bread at 20 cheese bread.
Malambot at masarap—nagtatalo ang alat ng keso, linamnam ng gatas, at tamis.

Ito ang LBS Bakeshop and Kitchenette na matatagpuan sa Brgy. Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga.
Ang nakamamangha ay third generation na ang kasalukuyang namamahala nito.
Mayroon na ring dalawang branches sa MacArthur Highway at Sto. Rosario sa Angeles City.
Ayon sa current owner na si Leila B. Santiago, ang kanilang cheese bread ay “very homey ang lasa” at ang pakiramdam pag natikman ay “parang yakap-yakap ka ng nanay mo.”
Naitampok ang bakeshop sa FEATR YouTube channel noong May 2024.
Para matugunan ang lumalaking demand ng customers, may dalawang shifts ang bakery.
Ang unang ay naghahanda sa madaling araw para maibenta sa umaga ang mga tinapay nang mainit-init pa.
Ang pangalawang shift ay sa tanghali para makapagbenta pagsapit ng hapon.
Read: Tix Dula-Laurel: The Woman Behind the Success of Goto King
BAKESHOP STARTED BY GRANDMOTHER
Kuwento ni Leila, ang kanyang Lola Julia ang nagsimula ng bakeshop.
“Originally, yung lola ko yung nagbi-bakery sa Arayat, nag-move kami from Arayat to San Fernando."
Kalaunan, pinamahalaan ito ng mga magulang ni Leila.
“May supplier kami dito ng bakery ingredients. In-offer nila ang puwesto nila. Doon namin naumpisahan yung L.A. Bakeshop.”
Ang pangalang L.A. Bakeshop ay pinagsamang pangalan ni Leonila, ang ina ni Leila, at ni Angeline, ang may-ari ng puwesto.
Itinayo nila ito noong 1985.
Pero kalaunan, nagdesisyon si Angeline na kumalas sa partnership.
Buhay pa rin ang nasabing bakeshop at nag-o-offer din ng parehong lasa ng cheese bread.
Ibinigay naman ni Angeline ang puwesto kung saan nakatayo ngayon ang LBS Bakeshop & Kitchenette na initials naman ng ina ni Leila.
Binuksan ito noong 2008.
Kuwento ni Leila, habang lumalaki ay tumutulong na sila sa bakeshop at naglalako rin ng mga tinapay.

Read: Filipino longganisa varieties: Which one is your favorite?
THE UNIQUE CHEESE BREAD
May iba pang masasarap na products ang LBS Bakeshop, subalit walang dudang nakilala ito dahil sa cheese bread.
Ibinahagi ni Leila na nagsimula ito noong may nag-apply na isang panadero.
“Dinemo niya yung cheese pandesal—yun yung tawag namin doon sa ginawa niya.
“Since yung mother ko sa bakery business talaga sila, parang in-improve nila yung recipe.
“Hanggang sa makarating kami dun sa kung ano yung cheese bread today.
"So, from cheese pandesal, naging cheese bread…”
Ibinahagi rin ni Leila kung ano ang nagpapasarap sa kanilang famous cheese bread.
“Sa paggawa ng cheese bread, basic ingredients ang ginagamit, like flour sugar, shortening, tapos margarine.
“Pero yung pinaka-crumble ng cheese bread sa taas, merong special mixture na ginagawa, which is imported yung aming ingredients.
“Kaya cheesy siya, na creamy, na soft. Yun yung nagpapasarap.”
LBS BakeshoP'S SUKI
Pagbabahagi ni Leila, may mga suki silang araw-araw bumibili at may mga Pilipino ring nagtatrabaho abroad at ginagawa itong pasalubong.
Ang kuwento niya, “There was a time na may nagpunta dito from Norway. Talagang dinayo pa daw niya yung cheese bread namin dito."
Bukod sa panaderya, nagdagdag na rin sila ng mga merienda at ulam, tulad ng palabok, sisig, at barbecue.
