Si Apolonia “Nanay Plonia” Morales ang tinaguriang Reyna ng Itik sa Angono, Rizal.
Siya ang kauna-unahang nagbenta nito sa lugar, at hindi niya inaasahang papatok ito sa mga tao.
Buong pagmamalaking sabi ni Nanay Plonia sa interview ng OG Channel ng Summit Media, “Kahit ako mahirap, walang pinag-aralan, ang layo ng inabot ko."
Pero paano nga ba nagsimula ang pagtitinda niya ng fried itik?
Read: Bakeshop in Pampanga sells 8K-10K pieces of cheese bread a day
FROM FISH VENDOR TO FRIED ITIK VENDOR
Kuwento ng matanda, tindera siya ng isda noon.
Subalit nung tumama ang isang bagyo taong 1972, lumubog daw sa baha ang kanilang lugar.
Wala siyang maitindang isda dahil wala ring makuhang isda ang kanyang supplier, na nagkataong nag-aalaga pala ng mga itik.
Iminungkahi raw ng supplier na sa halip na isda, ang mga itik na lang ang itinda ni Nanay Plonia.
Nagkaroon daw siya ng agam-agam dahil hindi niya alam kung paano lutuin ang itik.
Iminungkahi naman ng supplier na iprito ito.
Pero kontra ang asawa ni Nanay Plonia sa pagtitinda ng itik, na noong panahong iyon ay hindi iniluluto at inuulam.
“Sabi kong ganon, ‘Kung ayaw mo, ako ang masusunod. Ako ang magtitinda. Ako ang bahala,'” ani Nanay Plonia ukol sa asawa.
Mahirap daw ang kanilang buhay at may pitong anak siya na kailangang buhayin.
Kinuha raw ni Nanay Plonia ang kaldero, nilinis ang mga itik, sinangkapan, pinakuluan para lumambot, at saka ipinrito.
Read: Pork Pastil under fire: Muslim leaders call it "culturally insensitive"

THE SUCCESS OF FRIED ITIK
Ipinalako ni Nanay Plonia sa kakilalang may traysikel ang kanyang fried itik.
Binilinan ito na kapag hindi naubos pagsapit ng alas siyete ng gabi, isauli ito sa kanya para may hapunan ang pamilya.
Pero wala pa raw alas siyete ng gabi ay nakabalik na ang pinagtinda ng fried itik.
Naging emosyonal si Nanay Plonia nang alalahanin na mabilis naubos ang kanyang fried itik.
Sabi niya, “Hindi ko maitago ang kasiyahan ko. Galak na galak ako. Walang ibang nagtitinda, ako lang.”

THE LEGACY LIVES ON
Dahil sa katandaan, hindi na si Nanay Plonia ang nagtitinda ng itik, kundi ang anak na si Maria Teresa Cruz at ang asawa nito.
Habang lumalaki raw si Teresa ay nakikita niya kung paano lutuin ang fried itik, kaya natuto siya.
Ang naging pagbabago nga lang ngayon—mula sa orihinal na recipe ng ina ay lumikha sila ng sauce, na hinahanap daw ng ilang customers.
Ibinahagi rin ni Teresa na ang bansag sa kanyang ina na Reyna ng Itik sa Angono ay mula kay Kara David nang itampok niya si Nanay Plonia.

Inilahad din ni Teresa kung paano binago ng fried itik ang kanilang buhay.
Sabi niya, “Nagkaroon ho kami ng sari-sarili naming lupa, pati mga anak may kanya-kanyang tirahan kaya malaking pasasalamat ho talaga sa itik, at sa mother ko, pati ho sa Nasa Taas.”
Nagpapasalamat naman ni Nanay Plonia sa lahat ng tumangkilik sa kanyang friedd itik.
