Ipinagdiwang ng bayan ng Villasis sa Pangasinan ang 2025 Talong Festival noong January 16.
Ang Villasis ang kinikilala bilang vegetable bowl sa naturang probinsiya, at nangungunang producer ng talong o eggplant sa Ilocos Region.
Ito rin ang pinakamalaking supplier ng talong sa Metro Manila.
Ang taunang selebrasyon ay nilahukan ng 21 barangays ng munisipalidad.
Read: Five Must-Try Dishes at The Grid's "Secret Menu"

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material
PINAKBET TAKES CENTER STAGE
Sabay-sabay na nagluto ang mga kinatawan sa isang venue ng kani-kanilang bersiyon ng pinakbet—isang sikat na putahe sa rehiyon na pinagsama-samang mga gulay na ginisa sa bagoong isda.
Ang mga isinangkap na gulay—partikular ang talong—ay tanim at ani mula sa kani-kanilang barangay.
Read: Here's the diet that helped Judy Ann Santos achieve her "beywang" and desired weight
Ang mga nilutong gulay ay binili ng lokal na pamahalaan mula sa mga magsasaka.
Nakapakete o bungkos na ang mga ito.
Read: How Happy Ongpauco-Tiu’s passion for plates led to thriving private dining business

Read: Can fried, sugary, and processed foods cause cancer?
Bawat pakete ay binubuo ng 30 kilong talong, 10 kilong ampalaya, 10 kilong kamatis, apat na kilong okra at dalawang kilong siling berde.
Ayon kay Roberto Padilla, high value commercial development program municipal coordinator ng Villasis, binili nila ang mga gulay batay sa farm gate price ng mga ito.
Ang kada kilo ng talong at ampalaya ay PHP110, habang PHP65 ang kada kilo ng kamatis at okra.
Otsenta pesos naman kada kilo ng siling berde.
Read: The story of Fried Itik Queen in Angono, Rizal
MORE TALONG DISHES AT THE COOK FEST
Nasaksihan ng social-media personality at residente ng Calasiao na si Rodz Manandeg ang okasyon.
Aniya sa panayam ng Philippine News Agency, “Kasi may involvement ang mga tao, especially doon sa Pinakbet sa Kawa at Talong Cook Fest na kung saan talagang lumabas ang creativity ng mga taga-Villasis.”
Read: Bakeshop in Pampanga sells 8K-10K pieces of cheese bread a day

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”
Bukod sa pinakbet, kabilang sa mga paborito niya sa cook fest ang lasagna, sushi roll, samgyup at pizza—na pawang talong ang pangunahing sangkap.
Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?
TALONG FARMERS IN PANGASINAN
Ang Talong Festival ay sinimulan noong 2012 bilang pasasalamat at pagkilala sa mga magsasaka sa lalawigan, lalo na ang mga nagtatanim ng talong.
Noong isang taon, nabawasan ng 20 hanggang 30 porsiyento ang sakahang nataniman ng talong dahil sa epekto ng masamang panahon, gaya ng mga bagyo at pagbaha.
Tinatayang may kabuuang lawak na 400 ektarya ang taniman ng talong sa lugar.
Ayon kay Padilla, sa kabila nito ay nagpapasalamat pa rin ang mga magsasaka dahil maganda pa rin ang benta ng mga ito ng talong.
Kahit nabawasan ang lawak ng taniman, maganda ang naging ani dahil hybrid ang mga binhing kanilang itinanim.
Read: Kinmemai Premium is world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo
Kabilang sa pangunahing pataniman ng talong sa Villasis ang Pias at Caramotan.
May mga nagtatanim din sa San Blas, Lipay, Puelay, Barangobong, at Amamperez.
Ibinahagi ni Padilla na malaking tulong sa mga magsasaka ng talong ang farm input subsidy program na pinalawak ng lokal na pamahalaan mahigit 10 years na ang nakararaan.
Dalawang beses sa loob ng isang taon, namamahagi rin ang lokal na pamahalaan ng tulong pinansiyal para may pambili ng abono ang mga magsasaka ng talong.
Sa ginanap namang Farmers Day kasabay ng Talong Festival, nagbigay rin ang lokal na pamahalaan ng ilang asosasyon ng mga magsasaka ng tatlong traktora, tatlong multi-cultivators, at iba pang makinang pansaka.
Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland
