Walang set budget si Janice de Belen pagdating sa kanyang groceries.
Nakangiting sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Alam mo, depende."
Dagdag niya, "Pero kasi, may mga trips kasi na may isang bagsakan ka ng... isang bagsakan ng bili, so medyo madami yun.
"Meron namang, meron kang biglang kinailangan, so medyo, hindi masyadong mga konti-konti lang.
"Depende sa pangangailangan."
GROCERY BUDGET
Bukod sa pangangailangan, dapat ding isaalang-alang ang budget.
Ideally, mas makakatipid if minsanan. Tipid na sa tranportation expenses at tipid sa effort.
Sa kaso ni Janice, "Mas magandang pumunta sa grocery pagka-ano, pagka-sakto lang ang kakailanganin."
At iisa lang ang payo niya: "Unahin ang priorities. Kasi kung hindi, mapapadami ka talaga, e."
Kung merong sinusunod na budget, stick to it. Wag lalampas kahit pa may sale, unless, gaya nga ng sinabi ni Janice, "Kailangan."
Kahit pa sa maramihang bilihan, tila mindful ang aktres sa total ng kanyang grocery items.
Tanong ng PEP: Forty thousand ba ang budget?
Mabilis na sagot niya, "Hindi naman, OA naman yung forty thousand, OA naman. OA naman."
Sa event ng Landers Superstore nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice, na kabilang sa mga bisitang naki-celebrate sa 8th Anniversary Shop & Win grand draw noong January 20, 2025.
GROCERY SHOPPING FOR FOOD ESSENTIALS
Quick tips lang kung mamimili ka ng mga meat products at fresh produce, siguraduhing kasya sila sa refrigerator.
Importante rin na meron kang mga containers with tight-fitting lids, zip-top plastic bags, o reusable silicone pouches.
Sa mga vegetables, para maiwasan ang molds, hugasan muna with vinegar bago ipasok sa bag o pouches.
I-check din kung merong nabubulok saka tanggalin.
Sa mga karne, make sure lang na naka-wrap mabuti, at na-divide-divide na rin base sa kakailanganing sangkap sa iyong iluluto.
Read: Janice de Belen approves of John bonding with their children
JANICE DE BELEN, OTHER AMBASSADORS PLAY BATO, BATO, PICK
Ang highlight ng event ay ang pagra-raffle ng grand prize na Porsche 911 Carrera S.

Sabi ni Kenneth Ocampo, vice president for marketing & membership, "Today is our culminating of our 8th year anniversary so we can be finally drawing the lucky winner of the Porsche 911 Carrera S."
Samantala, sa taong 2025, mamimigay ulit ang Landers ng PHP1 million monthly giveaways at bagong luxury car sa grand draw.

Bago nito, nagpalaro muna ng Bato-Bato-Pick kung saan kasali ang mga members at celebrities.
Masuwerteng umabot si Janice sa dulo, pero hindi niya nakuha ang fifty thousand na grand price.

Ang singer-actress na si Vina Morales ay nag-alay ng mini-concert.

