PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house now a restaurant

It offers authentic Filipino, Arabic, and Indian cuisine.
by KC Cordero
Published Feb 3, 2025
The old house at night
Bukod sa masasarap na pagkain, pang-akit ng Esperanza’s Hapag Kainan ang vintage at homey feels nito dahil isa itong lumang bahay. (Photo: Esperanza’s Hapag Kainan Facebook)

Naaakit ang mga food lovers na bisitahin ang Esperanza’s Hapag Kainan dahil sa kabuuan ng mismong restaurant.

Lumang bahay iyon ng pamilyang may-ari ng restaurant na si Aling Esperanza, 88, mas kilala bilang Ka Ansing.

Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status

The house owner
Ang may-ari ng bahay na si Ka Ansing. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kayarian ng buong bahay ay masasalamin pa ang lumang arkitektura noong panahon ng mga Kastila.

Malaking bahagi nito ay yari sa mga sinaunang tabla at kawayan. Ang mga bintana ay gawa sa capiz.

Read: Abi Marquez impresses Gordon Ramsay with her Wellington lumpia

The old house
Ang Esperanza’s Hapag Kainan kapag gabi. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinakbet and eggplant dishes shine at 2025 Talong Festival

Matatagpuan ang Esperanza’s Hapag Kainan sa Sitio 5, Brgy. Balete, Batangas City.

Nag-o-offer ito ng authentic Filipino, Arabic, ai Indian cuisine.

Read: Five Must-Try Dishes at The Grid's "Secret Menu"

PUHUNAN PARA SA ESPERANZA’S HAPAG KAINAN, MULA SA SEPARATION PAY

Ang namuhunan para maging restaurant ang ancestral house ay ang anak ni Ka Ansing na si Rolly De Torres.

Sinimulan ang operasyon nito noong 2021.

Kuwento ni Rolly nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Nang mag-resign ako sa trabaho, nagtayo muna ako ng grocery store.

“Yung separation pay ko ang ginamit kong puhunan.”

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

The business owner
Ang nag-start ng Esperanza’s Hapag Kainan na si Rolly (naka-blue) kasama ang iba pang namamahala sa restaurant. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: How Happy Ongpauco-Tiu’s passion for plates led to thriving private dining business

Nagtrabaho si Rolly sa isang telecommunications company.

“Dahil may-edad na rin ang Inay at hindi puwedeng maiwang mag-isa dahil may mga sarili na kaming pamilyang magkakapatid, naisip kong gawing restaurant itong aming lumang bahay.”

Kasagsagan pa ng pandemic nang itayo ang Esperanza’s Hapag Kainan.

Read: How Happy Ongpauco-Tiu’s passion for plates led to thriving private dining business

Exterior of the old house
Kung puno na ang loob ng Esperanza’s Hapag Kainan, may mga kubo na maaari ring kainan ng customers. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Lord Maynard Llera, the award-winning chef who owns Kuya Lord resto in the U.S.

Noong time na iyon, usung-uso sa social media ang food business, at naisip ni Rolly na malaking tulong ang Internet para mai-market niya ang restaurant.

“Maganda rin itong lokasyon dahil nasa national road kami. Maraming nagdaraang motorista.

“At dahil pandemic, marami sa mga kalugar namin ang dito na-order.”

Bukod sa lumang bahay, may mga kubo din sa paligid nito kung gustong makaranas ng customer ng alfresco dining.

Read: Finally, a brand for authentic halal food and beverages!

ESPERANZA’S HAPAG KAINAN OFFERS AUTHENTIC PINOY DISHES AND MANY MORE

Dahil nakatutok si Rolly sa kanyang grocery store na katabi lang ng Esperanza’s Hapag Kainan, ang kanyang kapatid na si Rodel ang tumayong manager ng restaurant.

Noong una, ang kanilang mga menu ay authentic Pinoy food na kinabibilangan ng sikat na lomi sa Batangas.

Ani Rolly, “Mahilig din talaga ang mga taga-Batangas sa lomi, lalo na kung loaded ng mga sahog.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The story behind Sentro 1771’s iconic dishes with Chef Vicky Rose Pacheco

The popular lomi
Ang popular na lomi sa Batangas, na isa sa mga inio-offer ng restaurant nina Rolly. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan

Naging bestseller din nila ang fried chicken, lumpiang shanghai, crispy pata, iba’t ibang klase ng pansit at ang isa pang popular Batangas dish—ang kaldereta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo of pansit
Hindi nawawala sa madalas ma-order sa Esperanza’s Hapag Kainan ang iba't ibang pansit at lumpia. Photo: Esperanza’s Hapag Kainan

“Karamihan sa mga nakain dito sa amin, laging sinasabing iba pa rin talaga ang timpla ng kaldereta sa Batangas.”

Read: How Wilma Doesnt’s suka became the secret ingredient to her success

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumaon, nag-offer na rin ang Esperanza’s Hapag Kainan ng Arabic and Indian cuisine.

“Para sa mga naghahanap ng ibang lasa, lalo na ang mga kabataan.

“Kailangan din kasi naming maging flexible sa demand ng market, lalo pa at dito sa amin ay marami rin kaming nagiging kakumpitensya.

“Medyo mas nakilala kami dahil sa aming online presence noong pandemic.

“Ngayon ay patuloy na maganda ang dating ng mga orders sa amin. Nakakatulong din kahit paano sa mga ang linya ng trabaho ay delivery.”

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

VENUE FOR DIFFERENT OCCASIONS

Sa ngayon ay nagiging paboritong venue ang Esperanza’s Hapag Kainan ng mga nagdaraos ng birthday at iba pang okasyon.

Dinarayo rin ito ng mga food content creators.

Patuloy naman sa pagdami ng mga nagpapa-deliver—karamihan ay mga empleyado ng kumpanya at clinic o ospital.

Kuwento pa ni Rolly, “May mga estudyante rin kaming nagiging customer na nakikiusap na makapag-shoot ng kanilang school project dito kasi nga lumang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na pag ang mga eksena ay parang sa Noli Mi Tangere,” na ang tinutukoy niya ay ang kilalang nobela ni Jose Rizal.

Tungkol naman sa kanilang budget meal, pagtitiyak ni Rolly, “Mas mura, pero hindi natin isinasakripisyo ang kalidad at lasa.”

Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa masasarap na pagkain, pang-akit ng Esperanza’s Hapag Kainan ang vintage at homey feels nito dahil isa itong lumang bahay. (Photo: Esperanza’s Hapag Kainan Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results