Kung isa kang foodie, marahil ay naka-encounter ka na ng videos sa social media tungkol sa lavashak na kinakain together with pomegranate seeds.
Sobrang naging popular ng snack combo na ito na maging ang content creators worldwide, gumawa ng video content na sinubukan ang pinaghalong lavashak at pomegranate seeds.
Naging trend ang lavashak, partikular sa TikTok, noong 2024 at magpasa-hanggang ngayon.
Pati mga Filipino content creators, sumakay na rin sa uso, kahit na ang mga sangkap na ito ay hindi nag-originate sa Pilipinas.
All of a sudden, napakaraming naging interesado sa lavashak.
Read: Scientists reveal how to cook perfectly boiled eggs
THE RISE OF LAVASHAK
Ang lavashak ay isang sweet and tangy snack na nagmula sa Iran.
Hindi tiyak kung ano talaga ang origin nito, pero itinuturo itong food ng Persia—o ang makalumang Iran—at pagkain na ito ng Iranians for the past 1,000 years, ayon sa Tablet Magazine, isang New York-based print and digital Jewish magazine worldwide.
Ibig sabihin, old age na ang lavashak at common snack at dessert para sa Iranians.
Ang biglang pagpatok nito sa TikTok at pagpukaw sa atensiyon ng non-Iranians ay patunay ng malaking influence ng social media.
Ang lavashak ay tinatawag din sour fruit leather dahil itsura itong mahahabang thin sheets, o kaya ay strips or rolls na black or brown ang kulay.

Sinasabing 2023 nang magsimulang mag-trend ang lavashak sa social media.
Isa sa mga social media personalities na naging dahilan para sumikat ang lavashak, lalo na sa mga Pinoy, ay ang Filipino-American na si Bretman Rock.
Gumawa ng video si Bretman noong November 20, 2024, kunsaan sinubukan niyang kumain ng pinagsamang lavashak, molasses, at pomegranate seeds.
Rave reviews ang ibinigay ni Bretman sa snack na ito, na aniya ay ginaya rin niya sa mga napapanood na TikTok videos.

Ang video na iyon ni Bretman ay may 14.7 million views.
Marami rin sa mga content creators, kabilang na ang mga Pinoy, ay sinabing naengganyo silang subukan ito dahil kay Bretman. Tumaas ang demand sa lavashak.
Sa katunayan, sinabi ng Sadaf, isa sa largest distributors ng Middle Eastern food sa U.S., ang kanilang lavashak category sales ay umakyat ng 244% dahil sa pagsikat nito sa social media.
Maging ang kanilang pomegranate molasses at concentrate na inihahalo sa lavashak ay nag-increase ng 357 percent, ayon ito sa Tablet Magazine.
Hirap na nga raw ang Mideast food distributor na ito na sumabay sa sobrang laki ng demand sa products.
Read: "Balutin mo!": Etiquette for Sharonians, a.k.a. nagbabalot sa handaan
LAVASHAK'S TASTE, HEALTH BENEFITS
Ayon sa website ng Sadaf, ang lavashak o sour fruit leather ay gawa sa iba’t ibang prutas tulad ng sour cherries, plums, apricots, at pomegranates.
Ang mga prutas ay ginagawang puree at niluluto kasama ang asukal at spices para makagawa ng malagkit na paste.
Ang malagkit na paste na ito ay ilalagay sa malapad na lalagyan at ibibilad ng ilang araw para tumigas.
Kaya ang description ng mga nakatikim nito ay matamis na maasim, tulad ng karamihan sa mga prutas.
Pero bukod sa influence ng social media, sinasabing isa ring dahilan para maging popular ang lavashak ay isa raw itong healthy alternative kumpara sa ibang processed snacks.
Dahil gawa sa prutas, ang lavashak ay mayaman sa fiber at antioxidants, ayon sa Sadaf.
Nakakatulong daw ito sa digestion, at dahil mayaman din sa Vitamin C, nakakapagpalakas sa immune system, nakakaganda ng balat, at nakakatulong para magkaroon ng malinaw na paningin.
Highly recommended din ito sa mga naghahanap ng low-fat snacks at sumusunod sa healthy diet.
Pero mataas din ito sa sugar kaya inirerekomenda ang moderate consumption.
Samantala, dahil sa pagiging trending sa social media ng snack na ito ay nahumaling ang non-Iranians all over the world.
Isa itong patunay na napakaraming tao ang naglalaan ng maraming oras sa social media, at nagiging source nila ito para sa iba't ibang bagay, mula impormasyon, mga gamit, hanggang pagkain.
