Isa na namang sikat na pagkaing Filipino ang nakasama sa 50 best-rated egg dishes worldwide list ng international travel and food guide na TasteAtlas.
Nasa second spot ang tortang talong (Filipino eggplant omelet) at may rating na 4.4 out of 5 stars.
Iniulat ito ng TasteAtlas nitong ikatlong linggo ng February 2025.

Ayon sa travel and food guide website:
“Tortang talong is a simple Filipino dish made with a combination of roasted eggplants and lightly beaten eggs.
“Whole eggplants are dipped into the egg mixture and are then shortly pan-fried until the entire dish starts to resemble a crispy omelet.
“This versatile delicacy is easily adapted with additional ingredients such as ground meat and vegetables, and it is traditionally served accompanied by steamed rice and tomato or banana ketchup.
“Inexpensive and quickly prepared, tortang talong can be enjoyed at any time of day as a hearty breakfast, lunch, or dinner.”
Read: Meet Benzone Kennedy Sepe, Davao del Sur farmer who finds success in growing 500 apple trees
OTHER BEST-RATED EGG DISHES ASIDE FROM TORTANG TALONG
Ang nasa first spot para sa best-rated egg dishes ay ang ajitsuke tamago ng Japa.
Kabilang din sa top 5 ang staka me ayga ng Chania, Greece; strapasada ng Greece; ispanakh yumurta ng Turkey.
Nasa ikaanim hanggang ika-10 puwesto naman ang tortilla de betanzos ng Betanzos, Spain; ang sikat na eggs benedict ng U.S.; chawanmushi ng Japan; shakshouka ng Tunisia; Menemen of Izmir Province, Turkey.
Read: Pinoy pancit canton brand makes it to New York Times' Best Instant Noodles 2025
Naglabas din travel and food guide website ng listahan ng “where to eat the best tortang talong in the world according to food experts” para sa mga gustong matikman ito.
- Sarsa Kitchen + Bar, Fely J's Restaurant, at 8065 Bagnet Restaurant sa Makati City
- La Preciosa Restaurant sa Laoag, Ilocos Norte
- LZM Restaurant sa Tagaytay City
Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house turned into a restaurant
HOW TO COOK TORTANG TALONG
Para sa mga gustong magluto ng tortang talong, naririto ang isang recipe mula sa yummy.ph:
Mga sangkap
4 piraso ng Chinese eggplant
2 piraso ng hilaw na itlog
2 kutsaritang asin
Kalahating kilo ng giniling na karneng baboy
6 kutsaritang cooking oil
Isang pirasong bawang

Paraan ng pagluluto
- Ihawin ang mga talong hanggang sa maging halos kulay itim na ang mga balat nito.
- Palamigin muna ang mga inihaw na talong at pagkatapos ay tanggalin ang balat. Itabi muna ang mga ito.
- Basagin ang mga itlog at ilagay sa isang bowl.
- Lagyan ng asin at saka batihin.
- Gawing flat ang mga binalatang talong gamit ang tinidor.
- Iinit ang kawali at lagyan ng cooking oil. I-set ang lutuan sa medium heat.
- Igisa ang giniling na baboy at bawang.
- Hintaying maluto, timplahan ng asin at hanguin.
- Lagyan ng apat (4) na kutsarita ng nilutong giniling na karneng baboy ang gitnang bahagi ng talong.
- Iprito ang mga talong, at lagyan ng ¼ na bahagi ng binating itlog ang kada piraso.
- Tiyakin na naluto nang maayos ang magkabilang gilid ng tortang talong.
Ang frying time ay aabutin ng hanggang tatlo o apat na minuto sa bawat magkabilang gilid ng talong.
Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status
