Marami ang naintriga sa isang video ng food vlogger and chef na si Ninong Ry.
Tampok rito ang tinawag niyang “fruit chocolate," pero ang talagang tawag dito ay black sapote o sapote.
Ito ay bilog, kulay green sa labas, kulay itim ang pulp, at dark brown ang center.
Nang tikman ni Ninong Ry ito, lasang tsokolate nga raw.
Ipinatikim din ito sa founder ng board review center sa bansa na si Carl E. Balita.
Ang verdict niya: “This is like eating cake found in a fruit. See how beautiful God has created this world, really.
“You don’t have to even bake cake. You just have to find the fruit.”
May ilang content creators na na-curious at tinikman din ang black sapote.

Read: Meet Benzone Kennedy Sepe, Davao del Sur farmer who finds success in growing 500 apple trees
WHAT IS BLACK SAPOTE?
Pero saan nga ba makakakita ng sapote fruit sa Pilipinas?
Sa isang video na mapapanood sa Facebook page ng Rural Rising Philippines, may mga dagdag na impormasyon tungkol sa “nature’s own chocolate pudding.”
Isa itong tropical fruit na itinatanim at inaani sa Bauko, Mountain Province, pero maaari ring tumubo ito sa ibang lugar sa bansa.
Ayon sa post, ang black sapote, na may scientific name na Diospyros digyna, “is a tropical fruit known for its sweet, custard-like flesh that resembles chocolate pudding or fudge when ripe.”
Isa raw itong uri ng persimmon at may “slight molasses-like sweetness with a hint of earthiness.”
Para ma-enjoy nang husto ang prutas, kailangang hinog na hinog daw ito.
Kapag ang balat ay nangulubot na, nagkulay brown, at malambot kapag pinisil, indikasyon daw na hinog na ang prutas.
Saad pa sa post ng Rural Rising Philippines, “It feels very soft, like an overripe avocado.
“The inside becomes dark brown and creamy—perfect for eating!”
Pero kapag matigas pa ang prutas at hindi pa hinog, huwag daw kainin dahil napakapait ng lasa.
Read: What is lavashak and how did it become a global trend?
ORIGIN OF SAPOTE
Sa article na lumabas sa Martha Stewart website, inilarawan din ang ripe sapote na lasang chocolate pudding.
Tinawag din itong black soap apple o black persimmon.
May paliwanag kung paano napadpad sa Pilipinas ang sapote, na native fruit mula sa Mexico, Central America, at western South America.
Tauch ang tawag dito ng Mayas at tzapoti naman sa mga Aztecs.
Dinala ito ng mga mananakop na Espanyol sa Caribbean at sa ilang bahagi ng Pilipinas at Indonesia.

TASTES LIKE CHOCOLATE, BUT A NUTRITIOUS FRUIT
Binanggit din na ang season ng prutas na ito ay December hanggang March.
Lasa man itong chocolate, isa pa rin itong prutas kaya maraming nutrients.
Ito ay low in fat, sagana sa Vitamin C, rich in fiber, at magandang source ng potassium.
Maaari itong kainin as is, pero maaari ring gawing smoothie, at gawing ingredient sa paggawa ng pudding, cake, at ice cream.
Masarap din itong gawing palaman sa tinapay na may kasamang honey.
Para maka-order nito at ng iba pang prutas, maaaring bumisita sa Facebook page ng Rural Rising Philippines o sa online shop nitong Ruriclub.com.
