Dahil sa init ng panahon ngayon, madaling mapanis ang mga nilutong pagkain at kasama na rito ang steamed rice.
At sa mahal ng bigas ngayon, hindi ito dapat sinasayang o hinahayaang mapanis lamang.
Pero hindi nito ibig sabihin na di na isasaalang-alang ang kalusugan, kaya mainam na alamin: kailan masasabing hindi na ligtas kainin ang tirang kaning lamig?
safe bang ilagay sa loob ng ref?
Kapag may natirang kanin, pwede ba itong ipasok sa ref?
Sa September 2021 article na “What foods should (or not) be stored in the fridge?” na lumabas sa European Food Information Council website, ibinahagi ang mga impormasyon tungkol sa pagtatabi ng pagkain at kung kelan na ito hindi ligtas kainin.
Isa sa mga entries ay kung puwedeng ilagay ang “hot food” sa refrigerator.
Binanggit dito na dapat tiyaking lumamig na ang mainit na pagkain bago ilagay sa refrigerator.
Kapag mainit itong inilagay, nag-iiba ang temperature sa refrigerator at magdudulot ng condensation na maaaring magsanhi ng pagsulpot ng mga mikrobyo sa loob.
Ayon dito, ang mga nilutong pagkain na itinago sa refrigerator ay maaaring tumagal at kainin ng hanggang tatlong araw.
Pero ang exemption dito ay ang tirang kanin o rice dishes na inirekomendang huwag nang kainin kung higit isang araw na.
“This is because rice can contain spores that survive cooking and grow into new bacteria, like Bacillus cereus, that produce toxins that can make you sick, if leftovers are not cooled quickly and stored properly," saad ng artikulo.
“The longer cooked rice is kept, the more likely it is that the new bacteria or their toxins will make it unsafe to eat.”
Sa madaling sabi, hindi inirerekomenda na kainin pa ang kanin o rice dishes after 24 hours dahil sa posibilidad ng food poisoning.

Read: What is black sapote, a fruit that tastes like chocolate pudding?
WHAT A FOOD-SAFETY AGENCY SAYS
Tugma ito sa artikulong inilabas sa website ng Food Standards Agency (FSA), isang non-government agency na dedicated sa food safety sa United Kingdom.
Binanggit dito na kailangang kainin ang nilutong kanin within 24 hours.
Posible kasing magkaroon ng food poisoning sa reheated na kaning lamig kapag lumampas ito ng isang araw. Ito nga ay dahil sa spores of Bacillus cereus na hindi namamatay kahit na niluto ang kanin.
Kapag iniwan ang kanin sa room temperature, mas mabilis ang pagdami ng bacteria na ito na maaaring magdulot ng food poisoning.
Kailangan din tiyakin na mainit na mainit ang reheated na kaning lamig bago kainin. Paalala pa ng FSA, puwede lamang initin ang leftover rice nang isang beses.
storing leftover rice in the freezer
Sinagot din sa artikulo ng FSA kung maaaring ilagay ang lutong kanin sa freezer.
Dapat palamigin ang steamed rice within two hours after maluto at maglagay ng maliliit na portion nito sa containers para mabilis lumamig, at para hindi dumami ang bacteria na maaaring magdulot ng toxins.
Kapag iri-reheat naman ito, ide-defrost muna ang tumigas na kaning lamig, saka iri-reheat nang mainit na mainit (70-degree Celsius) bago kainin.
May iba ring dietitians o health groups na nagsasabing maaaring tumagal ng ilang araw ang steamed rice kapag inilagay ito sa refrigerator, pero iba-iba ang kanilang opinyon tungkol sa bilang ng araw na itatagal nito.
Ayon sa Food Safety App ng The U.S. Department of Health & Human Services, maaaring itago ang leftover rice sa loob ng “3 to 4 days.”
Ang ibang dietitians naman ay sinasabing anim o pitong araw.
Sinabi ring ang frozen rice ay ligtas kainin hanggang six months.
Nagkakaisa naman sila na kailangang maging very particular pagdating sa preparasyon, kondisyon, at temperatura na kailangang matiyak sa pagtatago ng kaning lamig para manatiling ligtas at hindi pamahayan ng mikrobyo sa loob ng ilang araw.

Read: Meet Benzone Kennedy Sepe, Davao del Sur farmer who finds success in growing 500 apple trees
when to throw away leftover rice
Mungkahi naman ni Jen Messer, nutrition consultant and registered dietitian, sa report ng USA Today, "if you're unsure about the safety of the rice, it's best to be cautious and discard it after no more than 4 to 6 days."
Ipinaalala rin niya na bago i-reheat at kainin ang kaning lamig ay tiyakin na hindi ito panis o nasira.
Maaari itong malaman sa amoy at sa texture ng kanin.
At kung hindi naman sigurado kung ligtas pa ring kainin ang natirang kanin, payo ni Messer, huwag na itong galawin.
“When in doubt, throw it away,” payo ng dietitian.
