Ang tag-init sa Pilipinas ay hindi lang nagpapapawis, kundi nagdudulot din ng pagod, dehydration, at heat exhaustion.
Para maging presko at manatiling healthy, kailangan ng tamang pagpili ng pagkain.
Ito ay dahil may malaking epekto sa ating katawan ang kinakain natin, lalo na sa pagharap sa matinding init ng panahon.
Narito ang mga pagkain at inuming dapat at di dapat kainin at inumin upang manatiling hydrated at energized kahit tirik ang araw, batay sa Infinity Care Hospital at Continental Hospitals.
Read: Summer eating tips: What doctors want you to know
BEST FOODS TO EAT DURING HOT WEATHER
Water-rich fruits and vegetables
Kapag mainit ang panahon, hydration is key.
Piliin ang mga prutas at gulay na may mataas na water content upang mapanatiling hydrated ang katawan.
Ilan sa mga best options ay:
- Pakwan (watermelon) – 92% water content, perfect for hydration.
- Pipino (cucumber) – pampalamig ng katawan at may natural electrolytes.
- Pinya at melon (pineapple and melon) – mayaman sa tubig at natural na electrolytes.
- Kamatis (tomato) – nakakatulong sa pagpapanatili ng tamang fluid balance sa katawan.
Tip: Gawing fruit salad o smoothie para mas refreshing!

Coconut water
Ang buko juice ay isa sa pinakamagandang inumin tuwing mainit ang panahon dahil natural itong may electrolytes na nakakatulong laban sa dehydration.
Mas mabuti ito kaysa sa commercial energy drinks na may mataas na sugar content.
Light and cooling meals
Ang mga magagaan at hindi mamantikang pagkain ay mas madaling tunawin ng katawan, kaya’t hindi ka agad maiinitan o mapapagod.
Ilan sa good choices ay:
- Lumpiang sariwa – may fresh veggies at light peanut sauce.
- Salads – gawing mas masustansya gamit ang lettuce, pipino, at kamatis.
- Grilled fish – mas magaan sa tiyan kumpara sa red meat.

Yogurt and cold dairy products
Ang yogurt ay masarap at mayroon pang probiotics na nakakatulong sa digestion at immune system.
Puwede rin itong gawing base ng fruit smoothies para mas refreshing ang merienda.
Tip: Subukan ang Greek yogurt with honey at fresh fruits bilang healthy na panghimagas.
Herbal teas and infused water
Sa halip na kape na maaaring magdulot ng dehydration, subukan ang green tea or mga herbal teas tulad ng peppermint at chamomile.
Pwede ring i-level up ang tubig at gumawa ng infused water gamit ang ilang slices of fruits.
Nakakatulong itong pababain ang temperatura ng katawan.
Tip: Maglagay ng pipino, lemon, at mint sa malamig na tubig para sa instant refresher!
Read: Is it safe to eat leftover rice after 24 hours?
FOODS TO AVOID DURING HOT WEATHER
Oily and fried food
Ang mga pagkaing mataas sa taba tulad ng chicharon, pritong manok, at fast food ay mabigat sa tiyan at maaaring magdulot ng hindi maginhawang pakiramdam kapag mainit.
Dahil mabagal itong matunaw, nagre-require ito ng mas maraming energy na maaaring magpataas ng body temperature.
Processed and salty food
Ang sobrang alat ay maaaring magdulot ng dehydration dahil ito ay nag-a-attract ng tubig palabas ng cells.
Kasama rito ang instant noodles, chips, junk food, at canned goods tulad ng corned beef at luncheon meat.
Mainam na alternative sa mga ito ang pagpili ng homemade snacks, tulad ng boiled saba o fresh veggie chips.

Soft drinks and sugary beverages
Nakaka-tempt uminom ng ice-cold soda kapag sobrang init ng panahon.
Kaya lang, puno ito ng sugar na maaaring magbigay ng temporary energy boost, ngunit mabilis ding magdulot ng dehydration.
Kaya naman mas maiging uminom ng tubig, buko juice, o fresh fruit juices kaysa sa mga ito.
Spicy food
Ang sobrang anghang ay maaaring magpataas ng body temperature at magdulot ng labis na pagpapawis.
Habang may cooling effect ito sa iba, posibleng maging sanhi rin ito ng discomfort at dehydration.
Pero, kung talagang mahilig sa maanghang, mahalagang siguraduhin ang pag-inom ng maraming tubig pagkatapos kumain.
Excessive caffeine and alcohol
Ang sobrang pag-inom ng kape, tsaa, at alak ay puwedeng magresulta sa dehydration.
Ang caffeine at alcohol ay may diuretic effect, na nangangahulugang mas madalas kang iihi at mawawalan ng tubig sa katawan.
Tip: Mag-limit ng 1-2 cups ng kape sa isang araw at siguraduhing uminom ng tubig pagkatapos.

Overall, sa pamamagitan ng tamang pagpili ng pagkain at inumin, mas mapaghahandaan ang mainit na panahon nang hindi nalalagay sa panganib ang ating kalusugan.
Kaya bago kumain, laging tanungin ang sarili: "Makakatulong ba ito para manatiling fresh at hydrated ang katawan ko?"
Dahil sa simpleng pag-iingat, maiiwasan natin ang discomfort sa kabila ng matinding init.