Kontrobersiyal na usapin ngayon sa social media, lalo na sa food community, ang one-pan tomato pasta ni Meghan Markle.
Ang Hollywood actress—na ngayon ay mas kilala bilang Duchess of Sussex o misis ni Prince Harry, Duke of Sussex—ay may ongoing Netflix show na pinamagatang With Love, Meghan.
Itinampok dito ang one-pan tomato pasta, na umani ng mixed reactions.
Una, hindi raw ito aprubado ng Italians sa Italy, na sinasabing origin country ng pasta.
Sa kanilang kultura at tradisyon kasi, hiwalay daw na iniluluto ang sauce at pasta.
At kapag luto na pareho, karaniwang inililipat ang cooked pasta sa cooked pasta sauce.
Sa recipe ni Meghan, pinaghalu-halo niya sa isang skillet ang cherry tomatoes, garlic, lemon zest, kale, parmesan cheese, uncooked pasta, saka pinakuluan sa ilang tasang tubig for six to ten minutes hanggang maluto ang pasta.
Pinag-usapan ang recipe sa social media.
Sinubukang gawin ito ng food content creators para matikman kung masarap nga ba ang kinalabasan.
Read: Why you should not drink coffee on an empty stomach
food vloggers TRY MEGHAN’S RECIPE
Isa sa mga social-media personalities na sinubukan ang recipe ni Meghan ay si My Nguyen, isang US-based chef at lifestyle digital creator.
Gumawa siya ng TikTok video na mayroon nang 12.2 million views. Approved niya ang lasa ng one-pan tomato pasta.
Ipinagtanggol din ni My si Meghan at binanggit ang nakikita niyang rason kung bakit marami ang galit sa duchess.
Aniya, “I think quite a lot of people love to hate Meghan Markle for whatever reason.”

Gumawa rin ng video ang Italian duo at content creators na sina Matteo Salvatori at Emiliano Santoro, o mas kilala bilang Lionfield sa kanilang TikTok at YouTube channels.
Ang kanilang content ay may kinalaman sa comedy, music, at pagmamahal nila sa culture at cuisine ng kanilang bansa, ang Italy.
Sa inilabas na video, bakas ang disapproval nila sa recipe ni Meghan.
Ang kanilang verdict: “half-approved” ang lasa ng one-pan pasta.
“I have eaten better pasta, but I also have eaten worse pasta,” pahayag ni Salvatori.

Read: Is it safe to drink coconut water every day?
ONE-PAN TOMATO PIZZA NOT THE FIRST TIME
Subalit hindi ito ang unang beses na may celebrities na gumawa ng one-pan pasta.
Sa TikTok video ni My Nguyen, sinabi niyang naglabas na noon ng one-pan pasta video si Martha Stewart, American businesswoman at TV personality, pero hindi raw siya na-bash.
Itinampok din ang one-pan pasta recipe noong 2022 sa isang episode ng lifestyle show na Stanley Tucci: Searching for Italy ng Hollywood actor na si Stanley Tucci.
Sa isang pot din iniluto ang pasta, na ayon sa aktor ay unconventional pero nasarapan siya nang tikman ang dish.
Sa paglipas ng panahon, may mga chefs, cooks, food businesses, at food lovers na nag-innovate para mas makatipid sa oras kapag nagluluto ng pasta dishes.
Hindi nila sinunod sa tradisyunal na paraan, pero na-achieve pa rin ang lasa.
At para sa mga modern-day moms at helpers, malaking bagay ito. Ikaw, aprubado rin ba sa iyo ito?
