PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CHECK THIS OUT: Grilled spicy bamboo sticks

Conceptualized for women on a diet.
by KC Cordero
Published Apr 2, 2025
A closer photo of grilled spicy bamboo sticks
Parang barbecue ang grilled spicy bamboo sticks—wala nga lang karne. Para ito sa mga babaeng mahilig magmeryenda pero umiiwas sa carbs. (Photo: Screenshot at SCMP)

Isang barbecue restaurant sa southern part ng China ang biglang naging popular—lalo na sa mga customer na babae.

Ang offering nito ay 50 grilled spicy bamboo sticks sa halagang 10 yuan o PHP80.07 lang.

Sa ini-upload na video na naging viral noong March 21, 2025 sa Douyin—ang counterpart ng TikTok sa China—makikita ang isang chef na nag-iihaw ng bamboo sticks.

Photo of grilled spicy bamboo sticks
Ang grilled spicy bamboo sticks habang iniihaw. Photo: Screenshot at SCMP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang nakatusok na karne.

Binudburan lamang ang mga ito ng spring onions at chilli powder.

Nakakuha na ang naturang video ng mahigit 600K likes.

Read: Why you should not drink coffee on an empty stomach

GRILLED SPICY BAMBOO STICKS ARE FOR WOMEN ON A DIET

Sa ulat ng South China Morning Post last March 27, tinukoy ang chef bilang si Ma, na ipinaliwanag ang konsepto sa likod ng grilled spicy bamboo sticks.

Hindi raw sila itinakda para kainin, kundi para matikman at manamnam ang flavor ng bawat stick.

Dagdag pa ni Ma, “The sticks let female diners enjoy snacks without gaining weight.”

Woman eating grilled spicy bamboo sticks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mga kababaihan na ayaw tumaba ang target market ng grilled spicy bamboo sticks. Photo: Screenshot at SCMP

May isang female customer na nagsabing na-enjoy nito ang bamboo sticks lalo na nung nilagyan niya ng mustard.

Read: Is it safe to drink coconut water every day?

NETIZENS REACT NEGATIVELY ON GRILLED SPICY BAMBOO STICKS

Pero maraming netizens ang hindi sold sa concept ni Ma.

Para sa mga ito, ang grilled spicy bamboo sticks ay “wild and dull.”

May nagsabi ring “crazy and boring.”

Panukala pa ng iba, mas dapat na pasarapin ni Ma ang lasa at kalidad ng mga pagkain sa restaurant kaysa gumawa ng kung anu-anong gimmick para lang dagsain ng mga parokyano.

Kung ganito rin lang umano ang konsepto, mas mainam pa raw na kumain ng instant noodle seasoning—readily available na, mas mura pa.

Read: CHECK THIS OUT: The interesting purpose of hair-like fiber in mussels

GRILLED SPICY BAMBOO STICKS BECOME A HIT

Business-wise, success daw ang grilled spicy bamboo sticks, ayon kay Ma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang claim niya ay nakakabenta raw ang restaurant ng 100 servings araw-araw at nagkaroon din ng 30 percent increase sa customer traffic.

Sa bawat isang serving ng grilled spicy bamboo sticks ay may profit daw siya na four yuan o PHP32.

Pero may concern ang ibang netizens: Hindi kaya't ginagamit muli o nire-recycle ang grilled spicy bamboo sticks lalo pa't flavors lang ng mga ito ang tinitikman?

Pagtitiyak ni Ma, lahat ng sticks ay single use only.

Plano rin niyang mag-develop pa ng maraming innovative dishes para makahatak ng mas maraming customers.

Read: CHECK THIS OUT: Onion ice cream from Mindoro

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang barbecue ang grilled spicy bamboo sticks—wala nga lang karne. Para ito sa mga babaeng mahilig magmeryenda pero umiiwas sa carbs. (Photo: Screenshot at SCMP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results