Maraming Pinoy netizens, kabilang ang mga local celebrities, ang natuwa sa post ng Hollywood actress na si Gwyneth Paltrow nitong April 6, 2025 (U.S. time).
Tungkol ito sa niluto niyang tocino para sa breakfast ng kanyang asawang si Brad Falchuk.
Ang caption ng 52-year-old actress: “Tried my hand at making pork tocino this morning—sweet, savory, and incredibly flavorful.
"Brad requested cauliflower rice for a carb light #boyfriendbreakfast."
Sa mga nagduda kung Filipino tocino nga ba ang niluto ni Gwyneth, may resibo sa mismong IG post niya.
Nahagip sa video ang “Pork Tocino” recipe na mababasa sa The New York Times Cooking (NYT Cooking), ang digital cookbook at cooking guide ng The New York Times.
Ang recipe guide na “Pork Tocino” ay isinulat ng professional cook at recipe maker/ writer na si Romel Bruno noong March 14, 2023.
Nasa short description ang origin ng pork tocino. Published as is, it reads:
“In the Philippines, tocino is a sweet, cured pork dish that is served for breakfast, lunch, and dinner.
“Though the term 'tocino' comes from the Spanish word for bacon, in the Philippines, the dish can be made from chicken or beef as well.
"Its vibrant red hue often comes from annatto seed, an orange-red food coloring from the achiote tree.”
Homemade tocino ang ginawa ni Gwyneth, na ipinakitang nag-marinate ng pork slices.


Read: Why Meghan Markle’s one-pan tomato pasta is controversial
CELEBRITIES COMPLIMENT GWYNETH
Marami ang natuwa sa post ni Gwyneth.
Nagkomento ng Filipino flags ang Filipino actor na si Benjamin Alves, celebrity chef na si Abi Marquez, at and U.S.-based Pinay actress na si G Tongi.
Komento naman ni Carla Abellana, “Wow! One of our Filipino favorite breafasts!”
Natuwa rin ang Hollywood at American actress na si Jennifer Garner sa IG post ni Gwyneth.


Published as is comment ni Pia Guanio, “yay gwyneth.”
“Tocilog,” ang nasambit ni Mylene Dizon.
Kinilig ang Filipino netizens at may nagrekomenda pa kay Gwyneth na subukan din niya ang adobo.

Read: Is it safe to drink coconut water every day?
HISTORY OF PORK TOCINO
Ang pork tocino ay staple breakfast dish sa Pilipinas.
Sa wikang Spanish, ito ay nangangahulugang bacon at tumutukoy sa fat layer sa ilalim ng balat.
Karaniwan itong inaasinan at hinihiwa para maging cubes.
Sa ilang Caribbean countries ay hinihiwa rin ito as cubes at ipiniprito hanggang maging malutong.
Sa Pilipinas, ang pork tocino ay nagsimula noong dekada '60.
Ang nakaimbento nito ay si Lolita O. Hizon o Apung Lolet, taga-Pampanga.
Isang araw, humingi ng tulong kay Apung Lolet ang kanyang kapitbahay na tindero ng karne.
Ayaw ng tindero na mabulok ang natira nitong tindang karne.
Ang ginawa ni Apung Lolet, ibinuro niya ito.
Sa Kapampangan, ang tawag dito ay “pindang.”
Dito na nagka-ideya si Apung Lolet.
Binago niya ang kanyang formula hanggang sa nakagawa siya ng tocino, na ngayon ay isa sa popular breakfast dishes with a distinct Pinoy flavor—manamis-namis.
Siya rin ang nasa likod ang successful processed food company na Pampanga’s Best.
Pumanaw si Apung Lolet noong 2021 sa edad na 84.
