PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

REPORT: Pork is world’s most consumed meat

A versatile animal protein option.
by KC Cordero
Published May 5, 2025
Pieces of pork meat
Bakit nga ba sobrang sikat ng karneng baboy gayung bilyun-bilyong tao ang hindi kumakain nito dahil sa kanilang relihiyon at kultura? (Photo courtesy of Healthline)

Ang karne ng manok ang itinuturing na default animal protein sa United States.

Halos lahat ng menu sa mga restaurants ay kabilang ang nakaparaming chicken dishes.

Ang grocery store rotisserie chicken ay ikinokonsidera na dinner staple sa US.

Pieces of fried chicken
Sa America, karne ng manok ang paboritong pagkain partikular ang fried chicken. Photo: Recipe30
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang dahilan kaya na-coin ang phrase na: “Winner, winner, chicken dinner."

Pero sa kabila ng obsesyon ng mga Amerikano sa chicken dishes, hindi ang karne ng manok ang “most consumed meat in the world.”

Sa ulat ng Yahoo! last May 4, 2025, ang most consumed meat ay ang pork.

Read: Nutritionist weighs in on street food as "source of protein"

PORK CONSTITUTES 36 PERCENT OF TOTAL GLOBAL MEAT CONSUMPTION

Batay sa datos na nakalap ng United Nations Food and Agriculture Organization at ibinahagi ng United States Department of Agriculture, ang nakokonsumong pork sa loob ng isang taon ay nasa 36 percent ng total global meat consumption.

A piece of pork meat
Ang mga putaheng mula sa karne ng baboy ang pinakapaboritong kainin sa buong mundo kaya ito ang itinuring na world’s most consumed meat. Photo: Wikipedia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ng pork ang chicken na may 33 percent.

Nasa 24 percent naman ang beef, at ang nalalabing limang porsiyento ay karne ng kambing at tupa.

Hindi naman nakapagtataka na dahil sa sobrang pagkagusto ng mga Amerikano sa fried chicken, ito ang pinakasikat na karne sa U.S.

Batay sa datos ng Statista, ang average American ay nakakakonsumo ng 46.3 kilo ng broiler chicken noong 2024.

Sinundan ito ng beef, na nasa 26.85 kilos ang nakokonsumo ng isang average American.

Pangatlo lang ang pork—na ang kayang ikonsumo ng isang average American kada taon ay 23 kilos.

Sa mga nakalipas na taon, ayon sa Statista, nagkaroon ng decline sa pagkonsumo ng mga Amerikano ng karne ng baka at baboy.

Gayunpaman, ang ibang mamamayan sa buong mundo ay nagpakita ng pagkahilig sa karneng baboy.

Read: Iced coffee hacks you can do at home

CHINA IS THE BIGGEST CONSUMER OF PORK

Bakit nga ba sobrang sikat ng karneng baboy gayung bilyun-bilyong tao ang hindi kumakain nito dahil sa kanilang relihiyon at kultura?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa World Population Review, noong 2022, ang isang average Chinese ay nakakakonsumo ng 40.20 kilos ng pork sa isang taon.

Sa nabanggit ding panahon, ang isang average Chinese person ay nakakakonsumo ng 17.5 kilos ng chicken per year.

Kung ikokonsidera na sa China ay may 1.4 billion katao—na apat na beses na mas malaki kaysa populasyon ng Amerika—hindi nakapagtatakang mataas ang konsumo ng pork kumpara sa chicken.

Dagdag pa rito ang mga bansang gaya ng Spain, Montenegro, at Croatia na mahihilig din sa pork.

Ang isang average person sa mga bansang ito ay nakakakonsumo ng 54.43 kilos ng pork kada taon ayon sa ulat noong 2022.

Read: What happens if you eat two eggs a day?

Sa Pilipinas, ang isang average Filipino ay nakakakonsumo ng 15 kilos ng pork kada taon ayon sa ulat ng website na The Pig Site noong January 3, 2020.

Nangangahulugan ito na kabilang ang Pilipinas sa significant consumer ng pork globally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Pilipinas ang 10th largest consumer, 8th largest producer, and 7th largest importer ng pork.

Read: 3 types of food to avoid, according to an Olympic nutrition coach

PORK IS A VERSATILE ANIMAL PROTEIN OPTION

Simple lang ang dahilan kung bakit mas maraming tao ang kumakain ng pork kumpara sa ibang karne.

Mas abot-kaya ang presyo nito, masustansya at itinuturing na versatile animal protein option.

Ito rin ang paboritong kainin ng mga sinaunang tao.

Sample of pork dish
Simula pa noong unang panahon, sadyang ang pork na ang paboritong karne ng mga tao. Photo: Australian Pork
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa mga paboritong putahe sa buong mundo mula sa Spanish-style hams hanggang sa Korean bossam, pork ang pangunahing sangkap.

Sa Pilipinas, nakatatakam ang litsong baboy at sisig—na ngayon ay nakikilala na rin internationally.

Bagaman at nananatiling malakas ang ibinibigay na kumpetisyon ng chicken sa pork sa pagiging world's most consumed meat, mas safe sabihing sa hinaharap ay mas gugustuhin pa rin ng mga tao ang mga putaheng luto sa karneng baboy kumpara sa manok.

Read: Dubai chocolate causes global pistachio shortage

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba sobrang sikat ng karneng baboy gayung bilyun-bilyong tao ang hindi kumakain nito dahil sa kanilang relihiyon at kultura? (Photo courtesy of Healthline)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results