PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tipid hack in cooking pasta al dente

This method of cooking pasta is being practiced since the 19th century.
by Bernie V. Franco
Published May 6, 2025
pasta
Using this alternative method achieves the same results in cooking the pasta, but you save more energy or LPG, and lessen carbon dioxide emission.
PHOTO/S: Canva

May isang hack sa pagluluto ng pasta na sinusubukan ngayon dahil bukod sa epektibo, nakatitipid pa sa kuryente o kaya ay sa liquefied petroleum gas (LPG).

Sumikat ang hack na ito kaya’t pinag-usapan sa TikTok.

Inirerekomenda rin ito ng sikat na English TV cook at food writer na si Nigella Lawson.

Aprubado rin ang hack ng ibang professional chefs.

Pasado rin ang hack na ito sa panlasa ng celebrity chef and social media influencer na si Ryan Morales Reyes o Ninong Ry.

Ang traditional na pagluluto (o pagpapalambot) ng pasta ay ihulog ito sa kumukulong tubig at hayaang maluto nang ilang minuto na naka-indicate sa pakete.

Read: Nutritionist weighs in on street food as "source of protein"

THE ALTERNATIVE WAY TO COOK PASTA

Sa social media post ni Ninong Ry, binanggit niya ang “bagong paraan ng pagluluto ng pasta.”

“Paraan na hindi nao-overcook at hindi nagkakadikit-dikit, at mas tipid sa gas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gamit ang gas stove, inihulog ng Filipino food vlogger ang uncooked pasta sa kumukulong tubig na may asin, saka pinatay ang stove.

Tinakpan ang lalagyan at maghihintay ng 12 minutes.

“Sa ganitong paraan, hindi nauubos ang gas natin at tingnan natin yung resulta kasi hindi rin ako sigurado, e,” ani Ninong Ry.

Tatlong minuto bago matapos ang 12 minuto, inihanda naman niya ang pasta sauce.

Nang hanguin ang pasta, hindi ito nagdikit-dikit at hinalo ito sa ginawang pasta sauce ni Ninong Ry.

Satisfied si Ninong Ry nang tikman ang pasta dish. Tama raw ang pagkakaluto ng pasta.

Kaya inilarawan niya itong “madali at mas magandang method.”

cooking pasta
An old hack in cooking pasta is now being shared on social media.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Iced coffee hacks you can do at home

PASSIVE COOKING

Tinalakay rin ang paraang ito sa isang 2024 article na lumabas sa Manchester Evening News.

Ang tawag dito ay “passive” cooking.

“This method not only ensures perfectly al dente pasta but also cuts down on energy bills by turning off the heat before the pasta is fully cooked,” banggit sa artikulo.

Tinalakay ang method na ito ni Nigella Lawson. Ang pagkakaiba lang ng method niya sa ginawa ni Ry ay niluto muna ang pasta ng dalawang minuto bago patayin ang apoy.

Tawag naman ni Nigella rito ay “Vincenzo Agnesi method.” Ang Vincenzo Agnesi ang pinakamatandang pasta brand.

Sabi ng tanyag na English celebrity cook na sa paraang ito ay maiiwasan na ma-overcook ang pasta at magiging al dente pa rin ito.

Binanggit din ang method na ito sa website ng Barilla, ang Italian multinational food company na itinayo noong 1877.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pamamagitan ng ganitong method, nababawasan daw ng hanggang 80 percent ang carbon dioxide emission na nagmumula sa apoy para pakuluin ang tubig.

Hindi na rin daw bago ang ganitong method ng pagluluto sa pasta, ayon sa Barilla.

Ginagawa na raw ito mula pa noong 19th century.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Using this alternative method achieves the same results in cooking the pasta, but you save more energy or LPG, and lessen carbon dioxide emission.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results