Sikat ang turkey sa United States at iba pang bansa sa Europa lalo na pag Thanksgiving Day at Pasko.
Karaniwan din itong inihahanda sa casual gatherings at dinner parties.
Sa malalaking groceries sa Pilipinas, available ang imported meat ng turkey na nasa porma ng bacon, ham, ground, at breast.
Puwede silang isahog sa maraming dishes.
Pero napansin niyo ba, hindi gaya ng ibang domesticated birds na kina-classify bilang poultry, walang kumakain ng itlog ng turkey?

Sa artikulong nalathala sa news website na iflscience.com noong May 17, 2025, batay sa datos ng Oregon Department of Fish and Wildlife, kapag nasa kagubatan, ang turkey hen ay patagong gumagawa ng sarili nitong pugad sa lupa.
Mahirap matagpuan ang pugad na ginawa ng turkey hen.
Kapag buo na ang pugad, magsisimulang mangitlog ang turkey hen makalipas ng dalawang linggo.
Mahigit 32 hours ang kanyang pangingitlog at ang average eggs niya ay siyam hanggang isang dosena.
Mahirap para sa isang turkey ang pangingitlog dahil kailangan din nitong lumabas ng pugad para maghanap ng pagkain.
Dapat itong maging malusog sa panahon ng pangingitlog para maayos nitong ma-incubate ang mga itlog hanggang sa mapisa.
Dahil tuluy-tuloy ang incubation period at inaabot ng 28 days hanggang one month, hindi iniiwan ng turkey hen ang mga itlog hangga’t hindi nagiging sisiw.
Read: CHECK THIS OUT: Onion ice cream from Mindoro
WHY WE DON’T EAT TURKEY EGGS
Sa U.S. ay tinatayang may 2,500 turkey farms.
Hindi ganoon karami ang producers dahil mahirap alagaan ang turkey.
Malalaki ang mga ito kaya kailangang mas malawak ang space.
Makonsumo rin sila sa feeds.
Bilang paghahambing, ang isang healthy chicken ay nangingitlog kada 24 hours.
Samantala, ang isang turkey hen ay nangingitlog lang ng almost twice a week—na maituturing pang poor yield.

Mas marami ring mangitlog ang chicken kumpara sa turkey—kaya ito ang madalas ibenta sa merkado.
At dahil walang available sa market, hindi nakasanayang kainin ang turkey eggs.
Inaabot naman ng pitong buwan ang turkey bago maging mature at sumapit sa egg-laying age, kumpara sa manok na limang buwan lang ay puwede nang mangitlog.
Kaya para sa producers, mas malaki ang kikitain kung mismong turkey ang ibebenta sa halip na ang mga itlog nito.
Batay sa January 2025 U.S. Department of Agriculture figures, ang boneless chicken breast ay ibinibenta ng US$4.18 (PHP233.08) per pound, samantalang ang boneless turkey breast ay US$6.49 (PHP361.89) per pound.
Ang ground chicken ay may average retail price na US$3.49 (PHP194.52) per pound, habang US$3.85 (PHP214.59) ang ground turkey.
Read: Tortang talong is world’s second best egg dish
TURKEY EGGS ARE EDIBLE
Bagaman at walang nagkokonsumo ng turkey egg, puwede itong kainin.
Ayon sa website na Modern Farm, pareho rin ito ng lasa ng itlog ng manok.

Malaki nga lang ito, mas mahirap basagin ang shell, at mas makapal ang membrane.
Pareho rin ang makukuhang nutritional benefits mula sa itlog ng manok.
Mayaman ang turkey egg sa protein, iron, folic acid, at vitamin B12.
Maaari rin itong gawing scrambled, fried, o boiled.
Yun nga lang, hindi ito readily available.
Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status
