PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How to keep bananas fresh longer

Nutritionist shares 3 ways.
by KC Cordero
Published May 23, 2025
Photo of ripe bananas
Kung naparami ang nabili ninyong saging at hindi agad mauubos, may mga paraan para magtagal at manatiling fresh at hindi mabilis mabulok. (Photo: Cheryl Calibay Duarte Facebook)

May mga pagkakataon na kapag namalengke o nag-grocery tayo ay napaparami ang binibili nating saging—lalo na kung maganda ang quality at mura.

Yun nga lang, kung hindi agad nakakain lahat, nagiging problema kapag nag-over ripe.

Iniisip natin, paano kaya ang mga ito mapapanatiling sariwa.

Photo of fresh bananas
Kung sobra ang nabiling saging, nakakahinayang kung hindi makokonsumo lahat. Photo: allrecipes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa artikulong nalathala sa news website na AOL noong May 17, 2025, nagbahagi si Kristy Baumann ng mga paraan para hindi masayang ang mga saging.

Si Kristy ay isang registered dietician nutritionist.

Paliwanag niya, may tatlong paraang inirerekomenda niya para mapanatiling sariwa ang mga saging sa loob ng mahabang panahon.

Read: Why turkey eggs aren’t sold in stores

CHECK RIPENESS OF BANANAS

Una, ayon kay Kristy, importanteng kapag nasa tindahan o grocery ay alamin ang “right bananas” na bibilhin.

Piliin dapat kung ano ang estado ng pagkahinog ng mga ito batay sa kung paano ninyo gagamitin.

Paalala niya, kapag maberde pa ang mga saging na bibilhin, sa inyong bahay na ang mga ito mahihinog.

Samantala, ang mga saging na madilaw na at may mga maliliit na brown spots ay puwede nang kainin agad-agad.

Kung maghihintay pa kayo ng ilang araw bago ikonsumo o gamitin sa anumang paraan ang mga saging, bilhin ang hindi pa masyadong hinog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong paraan, hindi mabubulok o masasayang ang mga saging.

Ang mga palatandaan ng nabubulok na saging ay ang pagkukulay brown o pangingitim ng balat.

Nagiging mamasa-masa rin ito, malambot ang texture, at maasim na ang amoy.

Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food

PROPER STORAGE OF BANANAS

Kapag nabili na ang mga saging at naiuwi sa bahay, tiyakin na maiiimbak ito nang maayos.

Karaniwang iniiwan ito sa ibabaw ng mesang kainan.

Payo ni Kristy, para bumagal ang pagkahinog ng mga saging, mainam na ilagay ang mga ito sa malamig at madilim na lugar.

Ang ideal temperature ay 12 degrees Celsius.

Hangga’t maaari, ibitin ang mga saging para maiwasang magkaroon ng mga pasa at bumagal ang pagkahinog.

Kailangan kasing ihiwalay ang saging sa iba pang prutas gaya ng mansanas, peras, at avocado.

Ang mga naturang prutas, ayon kay Kristy, ay nagre-release ng natural ethylene gas, na nagpapabilis sa pagkahinog ng bananas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung malamig ang panahon, ang mga saging ay maaaring iimbak sa isang lugar sa loob ng dalawa hanggang anim na araw—at room temperature.

Kung mainit ang klima—tulad dito sa Pilipinas—maaari raw ilagay sa refrigerator o freezer para mas tumagal ang shelf life.

Photo of skinned ripe bananas
Bago ilagay sa freezer ang saging, mainam na balatan muna ang mga ito. Photo: Josephine Crispin Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ni Kristy, kung ilalagay ang bananas sa ref, kailangang hinog na ang mga ito.

Aniya, kapag nasa sobrang lamig na environment, humihinto ang ripening process ng saging.

Kung sa freezer ilalagay, payo niya ay balatan na agad ang mga ito.

Hiwain na rin kung ilalagay sa freezer at planong gawing smoothies.

Mas madali aniyang i-process ang sliced ripe bananas mula sa freezer kung gagawing smoothies later.

Read: Why Filipino hot dogs are so unique

WRAP BANANA STEMS IN PLASTIC

Kung mapapansin, may mga bananas na nakatinda sa grocery store na ang stem ay may balot na plastic.

Ito ay dahil ang saging—tulad ng ibang prutas—ay nagre-release din ng ethylene gas.

Bananas stems with wraps
Ang paglalagay ng plastic wrap sa stem ng saging ay epektibo rin para manatiling sariwa ang mga ito. Photo: The Takeout
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag binalutan ng plastic ang banana stems, nata-trap ang ethylene gas at napipigilan ang mabilis na pagkahinog nito.

Kaya kung ang nabili ninyong saging ay walang balot na plastic ang stems, pumiraso na agad ng manipis na plastic at ilagay sa stem ng bawat piraso.

Read: REPORT: Pork is world’s most consumed meat

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung naparami ang nabili ninyong saging at hindi agad mauubos, may mga paraan para magtagal at manatiling fresh at hindi mabilis mabulok. (Photo: Cheryl Calibay Duarte Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results