PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How long do hard-boiled eggs stay safe to eat?

Want your hard-boiled eggs to last longer? Keep the shells on!
by Bernie V. Franco
Published Jun 3, 2025
hard-boiled eggs
Storing hard-boiled eggs in the refrigerator is practical, but how long do they actually stay safe to eat? Here’s what you need to know.
PHOTO/S: Canva

Ang mga itlog kapag nilaga, “ready to eat” na.

Puwede silang instant snack, baon, o bilang sangkap sa dishes tulad ng egg sandwich, salad, at palabok.

Pero ang tanong, hanggang kailan safe kainin ang hard-boiled eggs from the time na nilaga sila?

Batay sa rekomendasyon ng mga eksperto, ang nilagang itlog ay maaaring tumagal ng hanggang pitong araw o isang linggo mula nang iluto ito.

Sinegundahan ito ng Egg Institute at Food and Drug Administration (USFDA) sa U.S.

Ayon sa artikulong inilabas ng lifestyle website na Petit Chef noong May 27, 2025, basta siguruhing hindi basag o walang crack ang nilagang itlog bago ilagay sa refrigerator.

Sang-ayon dito ang U.S. Department of Agriculture (USDA). Tiyakin lamang daw na naka-refrigerate ang mga nilagang itlog sa temperaturang 4-degree Celsius o mas mababa pa.

Kapag ang nilagang itlog ay binalatan, mas maiksi ang shelf life nito, maliban lang kung hard-boiled ito at inilagay sa airtight container.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan ding kainin daw ito sa loob ng tatlo hanggang limang araw mula nang mailuto.

salad with hard boiled eggs
Hard-boiled eggs can last up to one week when stored in the refrigerator.
Photo/s: Canva

Read: Nutritionist answers if street food is a good source of protein

HOW TO COOK AND STORE HARD-BOILED EGGs

Tamang pagluluto at tamang pag-i-store sa itlog ang magpapatagal sa shelf life nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang recommended cooking time sa kumukulong tubig ay 10 minutes. Ito ay para masigurong nalutong maigi ang egg yolk.

Ang tawag dito ay “hard-boiling,” na nakakatulong sa pagpigil ng bacterial proliferation.

Matapos hanguin ang nilagang itlog, palamigin agad ito sa tubig na may yelo, na pipigilan ang pagtigas at patuloy na pagkaluto nito.

Ayon naman sa USFDA, ilagay ang anumang pagkain—hindi lang itlogsa refrigerator within the next two hours and not right after maluto o malaga.

Ito ay para maiwasan ang bacterial growth.

Read: What happens if you eat two eggs a day?

How to Tell If a Hard-Boiled Egg Has Gone Bad—and What Happens If You Eat One

Paano naman malalaman kapag ang nilagang itlog ay hindi na puwedeng kainin?

Una, kapag mayroon na itong di kaaya-ayang amoy.

Pangalawa, iba na ang itsura at texture. Itapon na agad kapag naging “slimy or chalky."

Binanggit ng USFDA ang mga sintomas kapag nakakain ng sirang itlog—na posibleng maging cause ng food poisoning.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumunsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng:

  • Pagsusuka
  • Abdominal pain
  • Flu-like symptoms
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Storing hard-boiled eggs in the refrigerator is practical, but how long do they actually stay safe to eat? Here’s what you need to know.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results