Kapag nakakita ka ng soda can tab, iniisip mo bang kaya may butas ito ay para maayos na mailagay ang straw?
Sorry, iba ang purpose nito.
At mayroon itong kakatwang technical backstory kung bakit naimbento.
WHY SODA CAN TAB WAS INVENTED
Noong 1962, habang nasa picnic ang American engineer na si Ermal Cleon Fraze, natuklasan niyang wala siyang dalang can opener.
Hindi niya mabuksan ang dalang softdrinks na nasa lata.
Lahat ng paraan ay ginawa niya, at nabuksan lang niya iyon gamit ang isang bahagi ng bumper ng kanyang kotse.
Dahil sa pangyayaring iyon, na-inspire si Ermal para maimbento ang kauna-unahang pull tab opener para sa mga inuming nasa lata.
ORIGINAL SODA CAN TAB NOT ECO-FRIENDLY
At that time, ang invention ni Ermal ay itinuring na revolutionary.
Yun nga lang, hindi ito eco-friendly.
Ang pinakauna kasing soda can tab ay natatanggal nang buo ang lid ng lata.
Nagiging kalat ito sa mga kalye at parke.
Dahil matalas, nakakasugat ng mga paa o kaya ay nagiging sanhi para ma-flat ang gulong ng mga sasakyan.
“STAY-ON TAB” WAS INVENTED
Pagsapit ng 1975, naremedyuhan ng isa pang American engineer na si Daniel F. Cudzik ang problema ng original soda can tab na naimbento ni Ermal.
Ginawa niya ang Non-removable Pull-Tab Opener o Stay-on Tab na nananatiling nakakabit sa lata ng soda matapos buksan.
Wala ng kalat at anumang injury.
Higit sa lahat, nagkaroon ng maliit na butas sa pinakagitna.
Why There's a Hole in a Soda Can Tab
Taliwas sa popular belief, ang butas sa soda can tab ay hindi para maging lagayan ng straw.
Ang tunay na dahilan ay may kinalaman sa science and engineering.
Ito ay para mabawasan ang puwersang kinakailangan para ma-lift ang tab at ma-puncture ang seal ng lata.
Ang hole ang nagsisilbing lever para mas maging madali at smooth ang pagbubukas sa soda can.
Ang clever shape ng soda can tab ngayon ay nakatutulong din sa mga manufacturers na makatipid sa aluminum kung saan ito yari.
Kung ikokonsidera ang dami ng soda cans na napo-produce taun-taon, malaki rin ang natitipid na aluminum.
DON’T REMOVE THE SODA CAN TAB
Ang Non-removable Pull-Tab Opener o Stay-on Tab ay na-adopt ng malalaking brands ng softdrinks.
Gayunpaman, marami pa rin ang puwersahang tinatanggal ito sa lata, na nagiging panganib.
Gaya ng nabanggit, ang loose tabs ay nagiging sanhi ng injuries.
Posible rin itong malunok ng mga sanggol at maging ng mga hayop.
Isa rin itong ecological hazard.
Kaya sa tuwing iinom kayo ng soda in can o anumang inuming de-lata na may tab, wag basta-basta itatapon.
Mas maiging i-donate na lang sa mga kumpanya o organisasyon na nire-recycle ito para maging wheelchair, work of art, o design accessory.
