Masarap matanggap ang bulaklak bilang regalo, lalo na para sa mga kababaihan.
Gayundin ang sweet products gaya ng cupcakes.
Pero paano kaya kung ang regalo ay bouquet na puwede ring kainin?

Ang idea na ito ang naisip ng 32-year-old Australian baker na si Macey Nemer, residente ng Sydney.
Bata pa lang ay passionate na si Macey sa food and art.
Kahit walang formal baking training, sinimulan niyang mag-experiment sa loob ng mahahabang oras kung paano gumawa ng cupcakes.
Hanggang sa madiskubre niya ang tamang disenyo, porma, at lasa.
Nang ma-master na niya ang iba’t ibang eye-catching floral designs ng cupcake frosting, nagdesisyon si Macey na i-arrange ang mga iyon para maging edible bouquets.
Read: Mukbang Queen keeps amazingly sexy body despite eating too much
MACEY NEMER PURSUES PASSION FOR BAKING DURING PANDEMIC
Sa panayam kay Macey ng news website na Mail Online na nalathala noong March 13, 2023, ibinahagi niyang ito ang pinagkaabalahan niya noong pandemya.
"With the pandemic forcing us all to stay home, I found myself with more free time and the opportunity to pursue my passion for baking.
“I purchased a few piping tips to try my hand at cupcake decorating and fell in love with the process.
“I found it extremely therapeutic in such a stressful and chaotic time.
“From there, I continued to practice and experiment until I came up with the standing cupcake bouquets you see today.”

Read: How to keep bananas fresh longer
MACEY NEMER WANTS TO ELEVATE CUPCAKE’S POPULARITY
Naging determinado si Macey na mas maging perfect ang kanyang cupcake bouquets.
“I spent countless hours researching and experimenting with different cupcake recipes, frosting techniques, and decorating styles.
“I knew that cupcakes were a popular treat, however, I wanted to elevate them into something special.”
Taong 2023 din nang itatag niya ang sariling kumpanya na tinawag niyang Baked Bouquet.
Naging go-to source ito para sa mga kamangha-manghang floral bouquets, na maganda na ngang tingnan ay napakasarap pa.
Read: Why turkey eggs aren’t sold in stores
HOW MUCH ARE MACEY NEMER’S PRODUCTS?
Sa ngayon, nagsu-supply si Macey ng cupcake bouquets para sa iba’t ibang brands and agencies for promotional events.
Tumatanggap din siya ng orders para sa birthdays, weddings, at iba pang mga espesyal na okasyon.
Mayroon siyang boxes of cupcakes na ang presyo ay nagsisimula sa US$60 o PHP3,389.70.
Ang kanyang cupcake bouquets ay nagsisimula naman sa US$120 o PHP6,778.92.
Ang kumpanya niya mismo ang nagde-deliver sa buong Sydney para mas convenient para sa mga customers.
Read: “Wala pang five seconds!” rule on dropped food—myth or science?
MACEY NEMER’S BUSINESS CHALLENGES, FUTURE PLANS
Gaya ng ibang negosyo, may mga challenges ding nakakaharap si Macey.
Isa rito ay nang magpagawa ang kanyang customer ng mahigit 115 cupcake bouquets para sa engagement celebration.
“I had to figure out how to design the foundation for the bouquet.
“I then carefully piped each cupcake and arranged them on the foundation in a way that would create a beautiful garden effect.”
Success ang kanyang execution para sa giant cupcake bouquet.
Tuwang-tuwa ang couple na nagkomisyon sa kanya.
Bukod doon, lumakas din ang kanyang social-media presence.
“The bouquet ended up getting over 7.8 million views on Instagram, which was a surreal and exciting experience.”

Sa ngayon, ang pangarap ni Macey ay makarating ang kanyang cupcake bouquets sa buong Australia at maging sa ibang bansa.
“In addition to expanding my reach, I also want to focus on creating more pieces for events and weddings.
“I want to help my clients celebrate their special moments with delicious and beautiful treats that truly reflect their style and personality.”
