Kilala ang Bulacan region pagdating sa pork dish products, tulad ng chicharon, liempo, at crispy pata.
Pero ngayon, may isa pang dish na nagsimula na ring maging popular—ang sinuso o ang mammary glands ng inahing baboy.
Ito ay deep fried kaya crispy, pero ang loob nito ay juicy at may kakaibang linamnam.
Matapos sangkapan at pakuluan ng ilang oras, ipiniprito ito sa kumukulong mantika hanggang maging malutong.
Isinasawsaw ito sa tinimplahang suka bilang ulam o pulutan.
Sinong mag-aakalang ang parte ng baboy na dati ay sinisipa-sipa lang sa palengke ay isa na ngayong main ingredient sa dish na tatak-Bulakenyo?
Naitampok ang sinuso sa GMA lifestyle show na Biyahe ni Drew noong January 2023.
Binanggit dito ni Liezel Antonio Yap, owner ng isang crispy corner, na sa Bocaue unang nakilala ang sinuso.
At that time, nagsimula na ring makilala ang sinuso sa mga karatig-bayan ng Bulacan.
SINUSO: THE MAIN INGREDIENT
Makukukuha lamang daw ang part na ito sa inahing baboy.
Sabi niya, matapos matanggal ang mammary glands o sinuso mula sa kinatay na baboy, dapat itong iluto agad o i-freezer para hindi masira.
May gatas pa kasi ito sa loob, na maaaring mapanis at makaapekto sa lasa.
Read: She stands 5'4, he stands 4'0--this is their unique love story
Sinuso: how it is prepared
Una, pakuluan muna sa tubig na may timplang asin, sibuyas, at onion leaks.
Dalawa hanggang tatlong oras ang pagpapakulo para mapalambot ito nang husto.
Inilarawan ni Liezel ang lasa ng sinuso bilang buttery, milky, at creamy.
May mga customers daw na inihalintulad ang lasa nito sa balot o kaya ay atay.
Seventeen years na itong inihahain ni Liezel sa kanyang customers.
Nang tikman ito ng host na si Drew Arellano, inihambing niya ang texture sa luncheon meat at kikiam.
Masarap daw ito at hindi kalasa ng liempo.
Ang presyo: PHP800 per kilo.

Read: Beehive house in Angono, Rizal, is truly buzz-worthy
PORK DISH SINCE THE 1950S
Itinampok din ang sinuso sa YouTube channel na FEATR nitong August 10, 2025.
Ikinuwento rito na una itong inihain ng mag-asawang Francisco Dela Cruz at Mameng Dela Cruz sa Bocaue noong 1950s.
Ang nagma-manage na ngayon ng negosyo ay ang mga pamangking sina Peddy Dela Cruz at Eduardo Escalante.
Dito nabanggit ni Peddy na noong una ay hindi pinapansin sa palengke ang mammary glands ng baboy hanggang sa naisipan itong lutuin at gawing dish ng kanyang tiyahing si Aling Mameng.
Paliwanag naman ni Eduardo, para matiyak na masarap ang sinuso, dapat galing ito mula sa inahing baboy na bagong awat sa pagpapasuso ng mga biik.
Wala rin itong taba o fats at ang gatas ang nagpapalinamnam nito.
“Hindi ito nag-a-absorb ng mantika kaya magandang isama sa hapag-kainan dahil ang lasa niya, kakaiba. Ang texture niya, malambot, walang buto.”
Sa ngayon, balak ng magpipinsan na ilako ang kanilang produkto sa iba pang bahagi ng Bulacan at pati na rin sa mga karatig lugar.
