PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer

A must try!
by KC Cordero
Published Aug 28, 2025
The now popular coffee with cheese
Cheese mula sa gatas ng usa ang ginagamit sa kaffeost sa halip na milk o ibang creamer. Nagiging popular na ito sa mga specialty coffee shops sa Sweden at Finland. (Photo: Tasting Table)

Karaniwang milk o kaya ay creamer ang inihahalo sa coffee.

Pero sa northern part ng Sweden, mas gusto ng mga residente roon na ihalo sa coffee ang cheese.

Ayon sa artikulong nalathala sa news website na barometern.se last June 27, 2025, ang ganitong kumbinasyon ng mainit na kape at keso ay tinatawag na “kaffeost” (pronounced KAFF-eh-ohst).

Kaffeost and cheese
Unusual ang kumbinasyon ng kapeng mainit at keso, pero kakaiba ang sarap nito. Photo: Arla
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun nga lang, ang cheese na inihahalo sa mainit na kape para makagawa ng Kaffeost ay hindi ordinaryo.

Ito ay tinatawag na leipäjuusto (pronounced LAY-pah-yoo-stoh)—na ang ibig sabihin sa Sweden ay “bread cheese.”

Mula ito sa gatas ng usa.

Read: Iced coffee hacks you can do at home

THE CHEESE USED IN KAFFEOST

Pero walang bread na involved sa paggawa ng kaffeost.

Talagang kumbinasyon lang ito ng mainit na kape at keso.

Nabansagan lang na bread cheese ang leipäjuusto dahil sa absorbent quality nito.

The unique cheese used in making Kaffeost
Kumpara sa ibang cheese, nakaka-absorb ng aroma ng mainit na kape ang unique cheese kaya malinamnam pag kinain. Photo: Reko Ren
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos itong ibabad sa kape sa loob ng ilang minuto, nakaka-absorb ito ng surprising amount of coffee flavor at napakalinamnam kapag kinain.

Mas matamis din ang leipäjuusto kumpara sa ibang cheese, kaya ang paglalagay ng ilang piraso nito sa mainit na kape ay halos katulad ng epekto ng cream, milk, and sugar.

Read: REPORT: Pork is world’s most consumed meat

THE ORIGIN OF KAFFEOST

Ang pag-inom ng kaffeost ay may malalim na ugat sa kultura ng northern Sweden at Finland, lalo na sa kanilang reindeer herders.

Natuklasan ito ng semi-nomadic Sami people sa kanilang paglalakbay.

Naobserbahan nilang nakatutulong ang kaffeost sa kanilang sodium deficiency problems.

Naghahatid naman ang hot coffee ng kinakailangang enerhiya kapag malamig ang panahon sa kanilang paglalakbay.

Read: Dubai chocolate causes global pistachio shortage

KAFFEOST IS BECOMING POPULAR IN SPECIALTY COFFEE SHOPS

Bukod sa traditional reindeer milk na leipäjuusto, gumagamit na rin ng variations mula sa kesong gawa sa gatas ng baka o kambing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong June 2025 ay pinagkalooban ng European Union ng “protected designation of origin” status ang kaffeost sa inisyatiba na rin ng local cheesemakers.

Iniulat ito ng news website na sverigesradio last July 2.

Nais ng mga gumagawa ng leipäjuusto na maipreserba ang mahalagang bahagi ng kanilang food heritage at makahatak ng mga curious coffee lovers na bisitahin ang mga coffee shops na nag-o-offer ng authentic kaffeost.

Read: CHECK THIS OUT: Grilled spicy bamboo sticks

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cheese mula sa gatas ng usa ang ginagamit sa kaffeost sa halip na milk o ibang creamer. Nagiging popular na ito sa mga specialty coffee shops sa Sweden at Finland. (Photo: Tasting Table)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results