Sagana ang Pilipinas sa iba't ibang uri ng tinapay mula pa noong sinaunang panahon, at karamihan sa kanila ay patuloy nating natitikman hanggang sa ngayon.
Ayon sa kasaysayan, ang paggawa ng tinapay o pan ay ipinakilala sa atin during Spanish colonization noong 16th century.
Nariyan ang pandesal, pan de coco, ensaymada.
Meron ding mga tinapay na mas tatak Pilipino ang tunog, tulad ng kababayan, putok, at monay.
Pero may isang tinapay na pangalan pa lang ay agaw-pansin na: ang pan de regla o “menstrual bread” sa English.
Ang itsura raw kasi nito ay mukhang sanitary napkin na ginamit ng babaeng dinatnan ng kanyang monthly period.
May iba pang tawag dito depende sa rehiyon o lalawigan.
Alam mo bang may 14 names ang pan de regla?
Ang mas wholesome at mas sinaunang tawag dito ay “kalihim,” na may interesting backstory.
Sa Negros Occidental, ang tawag dito ay "pampam."
Mayroon din itong suggestive o malisyosong tawag, tulad ng “ligaya” at “lahi."
Sa Cebu ang tawag dito ay pan "burikat," na ang ibig sabihin ay prostitute. Medyo iskandaloso, di ba?
Sa Tagalog region tulad ng Batangas, tinatawag itong "pulang k*ki."

Read: Kiray Celis earns up to PHP3M in a single day of online selling
THE HISTORY BEHIND THE OTHER PAN DE REGLA NAMES
KALIHIM
Bakit nga ba ang unang tawag sa tinapay na ito noon ay “kalihim.”
Mababasa ang paliwanag sa librong Panaderia: Philippine Bread, Biscuit and Bakery Traditions, na isinulat ni Amy A. Uy.
Ang kalihim ay nagmula sa salitang “lihim.”
Noon daw kasi, may sikretong ginagawa ang panadero para hindi masayang ang day-old bread na hindi nabili.
Dinudurog niya ang mga natirang tinapay at hinahaluan ng mantikilya, itlog, asukal, kaunting vanilla, at red food coloring.
Ang resulta, pudding na siyang ginagawang palaman sa lulutuing bagong tinapay, na siyang tinawag na kalihim.
Nagsimula naman daw itong tawaging pan de regla nang dalhin sa Maynila.
Read: What is adobong pula?
PULANG KIKI
Sa blog na batangashistory.date, inilabas ang artikulong "The 'Pulang Kiki' Bread of Western Batangas" noong March 19, 2022.
Inilahad dito ang isang kuwento sa Nasugbu, Batangas, na nangyari raw noong '60s.
Nakasakay sa kalesa ang isang matandang babae na pumara sa tapat ng isang panaderia.
Mula sa kalesa, isinigaw ng lola sa tindera ang kanyang order, “Ineng, sampung pisong pulang kiki nga!”
Hindi naman daw naeskandalo ang kutsero sa isinigaw ng matanda.
Wala rin daw malisya ito sa tinderang dali-daling isinupot ang order na tinapay ng lola.
Ang nais tumbukin ng kuwento ay walang malisya ang mga residente sa sigaw ng matanda dahil yun ang tanggap nilang tawag sa tinapay.
Sa ilang previous discussions sa Reddit, may topic tungkol sa mga "pagkaing hindi maganda ang pangalan, pero masarap." Kabilang sa listahan ang pan de regla.
Batay rin sa comments section, pinatotohanan ng netizens ang iba-ibang tawag dito—mula sa popular na pan de regla, kalihim, pampam, pan burikat, at pulang k*ki ng Batangas.
Pero iisa ang kanilang verdict sa lasa ng tinapay: masarap.








