Nagsimula lamang sa sampung patatas, pero ngayon ay mayroon ng food stall ang magpinsang estudyante para sa negosyo nilang jacket potato.
At kumikita sila ng six digits monthly.
Ito ang inspiring story nina Ian Alba, 20, at Geoff Lucas, 19.
Si Ian ay nasa third year college sa kursong Aeronautical and Information technology.
Si Geoff ay nasa second year sa kursong Aviation and Security Management.
Pinagsasabay nila ang pag-aaral at pagnenegosyo.
Ayon kay Ian, tatlong beses sa isang linggo sila nagpupunta sa kanilang food stall o tuwing may libreng oras mula sa pag-aaral.
Read: Pinay nurse, daughters suffer assault, discrimination from UK couple
INSPIRED BY VIRAL JACKET POTATO VENDORS
Ang negosyo nina Ian at Geoff ay tinawag nilang Spudtatas, na mayroong food stand sa Villamor, Pasay City.
Hango ito sa dalawang kilalang jacket potato brands sa United Kingdom.
Basically, ang jacket potato ay baked potatoes na kasama ang balat at nilalagyan ng iba’t ibang toppings tulad ng cheese, bacon, garlic sauce, cheese sauce, at iba pa.
“Nakita rin po namin ito sa social media sa TikTok, kay Spudman saka kay Spudbros po. Sila po yung original galing UK,” kuwento ni Ian sa Pera-Paraan, na umere sa GMA noong August 16, 2025.
Sinong mag-aakalang dahil sa TikTok, nagkaroon ng ideya ang dalawang binata na kumita ng extra?

Read: The story of pan de regla and its other shocking names
PHP1,000 INVESTMENT
Nagsimula raw sina Ian at Geoff sa puhunang PHP1,000. Tig-PHP500 sila.
Ani Ian, “Kasi po sampung patatas lang po yung una namin.”
Sa kanilang first day, inihanda raw nila ito sa bahay at may mga bumili naman.
Sumunod ay naglabas sila ng PHP1,500.
Sabi ni Geoff: “’Tapos po, nag-post po kami sa Facebook page nung community po namin. Tinry po naming magbenta doon. May mga bumili naman po.”
Katulad ng maraming negosyo ngayon, ang social media ang naging epektibong marketing tool ng magpinsan sa pagbebenta.
Pagkumpirma ni Ian: “Mas active po talaga ang mga Pilipino pagdating sa social media.
"Halos lahat po ng content, basta po may interaction from person to person, is iko-consume po talaga ng madla.
"And then, siyempre, samahan ninyo ng quality yung products.”
May payo naman si Geoff pagdating sa pagnenegosyo.
Aniya, “Kahit po pagod ka, wag ka lang susuko.
“Puwede ka po magpahinga, pero wag ka titigil. Dapat tuluy-tuloy lang.
“Puwede po nating pagsabayin yung pag-aaral at pagnenegosyo.”
HOW TO MAKE JACKET POTATO
Madali lang gawin ang jacket potato.
Una, ibabalot ang malinis na patatas sa aluminum foil at ilalagay sa oven. Hahayaan itong maluto sa loob ng isang oras.
Pagkaluto, tatanggalin ang foil at titimplahan ang patatas ng butter, salt, and pepper at iba-ibang toppings.
Ang kanilang produkto ay nagkakahalaga ng PHP99 hanggang PHP135 per order.
Bestsellers nila ang chili cheese con carne, cheesy potato heaven, at garlic bacon bomb.
Kung titingnan ang kanilang Facebook page na Spudtatas, nag-a-upload sila ng videos about their daily grind.
Mababasa rin dito na bukas ang kanilang stall araw-araw, mula 3:00 P.M. hanggang 10:00 P.M.
Mayroon din silang delivery.
