Ang peanut butter, matapos buksan ang jar nito, ay maaaring magtagal at hindi masira sa loob ng ilang buwan.
May maliliit na bagay na nakakaapekto sa pagkasira nito gaya ng temperature, hangin, at mga nalalaglag na crumbs sa jar.

Kung ilalagay ito sa loob ng ref, mas nagtatagal ang linamnam ng flavor at texture.
Hindi rin nagbabago ang kalidad nito—na maoobserbahan kapag ini-spread na sa bread at iba pang food.
Read: 2 students’ potato business starts with PHP1K capital; now makes 6 figures monthly
PROCESSED PEANUT BUTTER VS NATURAL PEANUT BUTTER
Dalawa ang klase ng peanut butter.
Ang processed peanut butter ay napapanatili ang texture dahil sa ginagamit na stabilizers sa production nito para hindi kumatas ang oil mula sa peanuts kapag processed na.
Nakatutulong naman ang sugar and salt para mapanatili ang consistency nito.
Samantala, ang natural peanut butter ay walang ibang sangkap maliban sa peanuts—at kung minsan ay konting salt.
Dahil dito, mabilis mag-separate ang oil ng natural peanut butter, kaya mabilis din itong masira.
Read: The story of pan de regla and its other shocking names
How to Store Processed and Natural Peanut Butter After Opening
Kapag nabuksan na ang kani-kanilang jar, nagiging factor ang oxygen and humidity, gayundin ang mga utensils na ginagamit dito.
Ang processed peanut butter jar ay karaniwang inilalagay sa malamig, tuyong cupboard na malayo sa oven, dishwashers, at mga bintana—at a room temperature.
Ang stable na temperatura ay nagpapabagal sa oxidation ng peanut butter, habang nananatili namang mabango ito kung mahigpit na pagkakasara sa takip ng jar.

Mas mainam namang ilagay ang jar ng natural peanut butter sa refrigerator, kung saan humiwalay ang oil sa peanut eventually.
Kapag malamig ang natural peanut butter, mas creamy ito kapag ipinahid sa bread at iba pang pagkain.
Kapag bumili ng peanut butter, laging alamin ang instructions sa label dahil ang manufacturers ay may kanya-kanyang formula.
Smart tip: ilagay sa takip ng jar ang petsa kung kailan ito binuksan.
Sa ganitong paraan, alam ninyo kung kailan pa ito sinimulang gamitin at mas mahuhusgahan kung okey pa ba itong gamitin o hindi na.
Read: Is food cooked in air fryer healthy?
HOW LONG DO PROCESSED PEANUT BUTTER AND NATURAL PEANUT BUTTER LAST AFTER OPENING THEIR JARS
Matapos buksan ang jar ng processed peanut butter, mananatili itong sariwa nang tatlo hanggang anim na buwan—at room temperature.
Tatagal naman ito ng hanggang siyam na buwan kung ilalagay sa refrigerator.
Para sa natural peanut butter, dahil ang sangkap nito ay mani at asin lang, tatagal ito hanggang tatlong linggo—at room temperature—matapos buksan ang jar.
Kung ilalagay sa refrigerator, kaya nitong tumagal nang hanggang dalawang buwan.
Normal lang sa natural peanut butter ang paglalangis.
Haluin munang mabuti bago gamitin para ma-restore ang pagiging creamy.
Option din ang pag-i-store ng peanut butter—processed man o natural—sa freezer.
Kung malaking jar ang nabili at hindi agad mauubos, ilipat ang ibang bahagi sa maliliit na jars.
Ilagay ang jars sa freezer.
Sa ganitong proseso, tatagal ang peanut butter nang hanggang anim na buwan nang hindi nasisira.
Bago gamitin ang frozen peanut butter, iinit nang bahagya sa microwave at haluing mabuti.
Read: CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer
How to Tell if Peanut Butter Is Still Safe to Eat
Sira na ang peanut butter kapag may amag na ito o gray streaks.
Para makasiguro, basta may pagbabago sa kulay nito, huwag nang kainin.
Kapag sobra-sobra na ring malangis, palatandaan iyon na hindi na maganda ang kalidad nito.
Maayos pa ang peanut butter kung amoy mani ito na medyo manamis-namis.
Kapag maasim na, mapait, o kaya’y amoy pintura, huwag nang tangkaing kainin pa.
Maaari ring pagbatayan ang texture ng peanut butter kung maayos pa ang kondisyon nito.
Kapag smooth o kaya’y slightly grainy pag ipinahid, sariwa pa.
Pag masyadong tuyot, mahirap ipahid o matigas, sumailalim na ito sa oxidation.
Sa natural peanut butter, sadyang humihiwalay ang langis sa giniling na mani, pero dapat na magbalik sa pagiging creamy kapag hinalo.
Kung may buu-buo pa rin matapos haluin, oras na para idispatsa ito.
