Ang pagluluto ng omelet sa microwave oven ay hindi conventional.
Pero ayon sa artikulong nalathala sa Caring Minds United o cmu.fr noong September 6, 2025, malaking bagay ang magagawa nito lalo na kung nagmamadali sa umaga—o anumang oras—at kailangan ding makakain nang mabilisan.

Sa loob lang ng isang minuto, makapagluluto na ng masarap na omelet sa microwave oven nang hindi na kailangang magpainit ng kawali at gumamit ng mantika.
Read: Is food cooked in air fryer healthy?
HOW TO PREPARE AN OMELET WITH A MICROWAVE OVEN
Magbasag ng itlog sa isang bowl.
Kung isang pirasong itlog lang ang iluluto, puwede na sa tasa.
Lagyan ng konting maligamgam na tubig o kaya ay gatas.
Ang ratio ay one tablespoon sa isang pirasong itlog.

Kung maglalagay ng gatas, lighter at fluffier ang omelet pag naluto.
Kung tubig naman, bahagyang mapapababa ang calories.
Magdagdag din ng konting asin para mas maging even ang pagkakaluto.
Batihing mabuti gamit ang tinidor o whisk sa loob ng apat hanggang limang minuto para maging smooth at uniform ang mixture.
Read: CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer
Matapos batihin at maging smooth ang mixture, maaaring lagyan ng cheese.
Hiwain nang pino at ibudbod sa mixture.
Haluing muli para maging even ang pagkaka-spread.
Ilagay ang mixture sa microwavable container.
Hindi kailangang maging fancy ang hugis ng lalagyan.
Ang simpleng bowl o maliit na casserole dish ay puwede na.
Read: What are the health benefits of eating avocado daily?
SETTING THE MICROWAVE OVEN WHEN COOKING OMELET
Ilagay ang microwavable container na pinaglagyan ng mixture sa microwave oven.
i-set ang microwave oven sa medium o kaya ay high power sa loob ng 50 seconds.
Pag natapos na, tingnan ang mga gilid ng omelet.
Kailangang madali itong matanggal sa container habang ang pinakagitna ay nananatiling mamasa-masa.
Hayaan muna sa loob ng isang minuto para makumpleto ng tinatawag na residual heat ng cooking process at maging perfectly tender ang omelet.
Kung sa iyong pamantayan ay hindi pa masyadong luto ang omelet, isalang muli sa microwave nang 10–15 seconds o hanggang sa ma-achieve ang level na gusto mong pagkaluto nito.
Sa experience ng writer na ito, kapag nagluluto ng omelet sa microwave oven, lagi itong naka-set sa high sa loob ng isang minuto.
Read: Are canned sardines good for you? Here’s how much to eat
BENEFITS OF COOKING AN OMELET IN A MICROWAVE OVEN
Bukod sa mabilis maluto ang omelet sa microwave, mas kakaunti rin ang mga lilinising gamit pagkatapos.
Mainam din ito sa kalusugan dahil hindi ginamitan ng mantika o butter.
At dahil walang oil o butter, nabawasan ang calories nito, gayundin ang fat content.

Naiiwasan din ang pagkakaroon ng harmful compounds na minsan ay napo-produce kapag niluto ang omelet sa frying pan, lalo na kung mataas ang temperature ng pan.
Bukod sa mga nabanggit, mas napapanatili raw ang sustansyang taglay ng itlog kapag ang omelet ay niluto sa microwave.
Ang isa pang benefit ay mabilis na makapagluluto ng one serving at hindi mangangambang baka may matira pa.
Perfect ito para sa mga solo meals o quick snacks.
Read: Man calls out roommate who keeps "accidentally" eating his food
EXTRA INGREDIENTS TO BOOST FLAVOR AND NUTRITION
Para mas maging masustansiya ang omelet na niluto sa microwave, bukod sa cheese, maaari rin itong sahugan ng iba’t ibang gulay.
Lagyan ng tomatoes, bell peppers, o kaya ay fresh spinach para mas maging malinamnam at masustansiya.

Maaari ring lagyan ng spices gaya ng paprika o turmeric.
Bukod sa nagiging malasa, nadadagdagan din ang antioxidant benefits nito.
Kung gusto naman ninyo ng dagdag na fiber, haluan ng isang teaspoon ng oatmeal bago i-microwave.
Sa personal experience naman ng writer na ito, isinasahog dito ang mga tirang pagkaing gaya ng sisig at menudo.
Ang resulta ay napakasarap na omelet.
Versatile din ito dahil puwedeng i-customize depende sa laman ng inyong refrigerator.
