Ang papaya ay itinuturing na “humble fruit with magical benefits.”
Isa itong nutrient-rich tropical fruit na kilala dahil sa digestive, immune-boosting, and skin-enhancing properties nito.
May taglay itong papain, isang enzyme na nakatutulong sa digestion at pumipigil sa pakiramdam na parang bloated.

Sagana rin ang papaya sa vitamin C, vitamin A, at antioxidants.
Pinalalakas nito ang immune system, nakakatulong para manatiling malinaw ang mga mata at nagpapasigla sa balat.
Batay sa isang pag-aaral ng National Library of Medicine, ang papaya pulp ay malaking tulong para sa prevention and treatment ng obesity at mga kaugnay nitong metabolic disorders.
Read: TIPS: How to keep peanut butter fresh after opening the jar
PAPAYA HELPS IN REDUCING BELLY FATS
Ang pagkain ng isang bowl ng papaya tuwing breakfast, na may timbang na 140-150 grams ay nagtataglay lang ng 55-60 calories, ayon sa ulat ng news website na Times of India nitong October 7, 2025.
Ang ganitong sukat ay epektibo para sa weight loss.
Kaya kung gusto ninyong matunaw ang fats sa inyong belly, ang isang bowl of papaya every morning ang sinasabing remedy.

Kapag kasi ito ang unang kinain sa umaga, hindi halos makakaramdam ng gutom sa buong maghapon kaya maiiwasan ang urge na kumain nang kumain.
Mababa rin ang taglay nitong calories, pero mataas ang fiber content—na nakatutulong na makontrol ang gutom at favorable sa weight management.
Read: Tinola now included in Hawaii public schools’ lunches
PAPAYA HELPS PREVENT HEART-RELATED ISSUES
Bukod sa fiber and vitamins, sagana rin ang papaya sa potassium na nakatutulong para mapigilan ang heart-related issues.
Ang nutrients na ito ay nagno-normalize ng cholesterol levels at pinapaganda ang daloy ng dugo na nakababawas sa panganib ng atake sa puso at strokes.
Mababa ang sugar content ng papaya pero mayaman sa fiber kaya effective sa pagre-regulate ng blood sugar levels.
Ang pagkain nito ay nakababawas din daw ng hypertension.
Ayon sa medical experts, ang papain enzyme na taglay ng papaya ay nagsisilbing natural pain reliever at nakatutulong para mabawasan ang anumang pamamaga.
Ang regular na pagkain nito ay nagpapaganda sa blood circulation at overall cardiovascular wellness.
Read: PEP Tries: Food and Fashion combine at The Grand Hausse
PAPAYA CLEANS THE LIVER
Malaking tulong din daw ang regular na pagkain ng papaya sa kalusugan ng ating liver.
May taglay itong hypolipidemic, antioxidant, and anti-inflammatory properties na nakakapigil na magkaroon ng damage ang atay.
Ini-improve din ng papaya properties ang function ng liver sa pamamagitan ng modulated lipid metabolism habang pinipigilan ang proinflammatory cytokines.
May compounds din ang papaya gaya ng choline at beta-carotene na nakababawas sa inflammation, na mainam sa pagma-manage ng lifestyle-related issues gaya ng arthritis o fatty liver.
Nililinis nito ang liver sa pamamagitan ng pagtulong para sa maayos na digestion at regular na bowel movement, na nakababawas naman sa toxin load ng atay.
Dahil sa taglay na vitamin C, vitamin A, at flavonoids, napoprotektahan ng papaya ang liver cells mula sa oxidative stress and inflammation.
Nare-reduce naman ang fat accumulation sa liver dahil sa mataas na fiber content ng naturang prutas.
Read: Virginia's Heritage Pancit Cuisine: How a family tragedy turned into legacy
PAPAYA PROMOTES HEALTHY AND GLOWING SKIN
Nakatutulong naman ang natural enzymes and antioxidants ng papaya para matanggal ang ating dead skin cells.
Ginagawa rin nitong clear ang pores, at pinipigilan ang pagkulubot ng skin.
Kung napaso ang balat, pinabibilis ng papaya ang paggaling ng mga paso.
Kung may sugat, ang pagkain ng papaya sa umaga ay makatutulong para hindi kumalat ang infection.
Read: TOTOO BA: Stirring a dish right after adding vinegar results in hilaw na suka?
PAPAYA IMPROVES BOWEL MOVEMENTS
Kapag kumain ng papaya sa umaga habang wala pang laman ang tiyan, pinabibilis nito ang bowel movements.
Ang mataas na fiber content ng papaya ay naghahatid ng relief mula sa constipation at pinagaganda ang digestive health.
Ang taglay nitong digestive enzymes ay tumutulong para ma-break down ang pagkain sa bituka, at ma-detox ang tiyan para hindi makaranas ng constipation.
Read: Celebrity chefs' tips to ensure fried chicken is cooked all the way through
PAPAYA HAS ANTI-CANCER PROPERTIES
Sa pag-aaral na isinagawa ng National Library of Medicine na may pamagat na “Anticancer potential of Carica papaya Linn black seed extract against human colon cancer cell line,” napag-alamang ang mga buto ng papaya ay may anti-cancer properties na nakatutulong sa treatment ng ilang uri ng cancer gaya ng liver and prostate cancer.
Iniulat din ng isinagawang study na ang antioxidants ng papaya gaya ng lycopene ay nakatutulong para mapigilan ang paglaki ng cancer cells sa ating katawan.
Nire-reduce din nito ang oxidative stress para makaiwas sa risk of cancer.
Ang taglay na carotene ng papaya ay nakaka-stimulate naman ng uterus para ma-lessen ang period cramps ng kababaihan.
Read: What are the health benefits of eating avocado daily?
PAPAYA IS A NATURAL AGENT TO BOOST THE IMMUNE SYSTEM
Ang isang medium-sized papaya ay kayang magkaloob ng 200 percent ng daily vitamin C requirement.
Crucial ito para ma-stimulate ang white blood cell production.
Nagpapalakas din ito ng immune response, at nagpapabilis sa paggaling ng sipon at infections.
Dahil sa taglay na immunomodulatory, anti-inflammatory, and antiviral effects, ang papaya ay itinuturing na mabisang natural agent para mapalakas ang immunity at epektibong panlaban sa viral diseases.
Ang regular na pagkain ng one bowl of papaya lalo na sa umaga ay mainam na pangsuporta sa daily vitality and long-term health.
Read: Are canned sardines good for you? Here’s how much to eat
