Kapag ang prutas ay nangitim o nag-brown, kakainin mo pa ba?
Batay sa studies, malaki ang epekto ng aesthetics—tulad ng kulay—sa perception ng tao mentally, emotionally, at physically.
Ang kulay kasi ay may epekto sa perceived freshness at perceived taste ng pagkain, ayon sa report ng sciencedirect.com.
Sa madaling sabi, kung mas mukhang masarap ang pagkain, mas gusto mo itong kainin.
Read: Can shirataki rice really help you lose weight?
WHY FRUITS, VEGETABLES TURN BROWN
Ang mga prutas tulad ng mansanas, peras, saging, peaches, gayundin ang ibang gulay tulad ng patatas at lettuce ay nagiging kulay brown dahil sa oxidation. Tinatawag itong enzymic browning o food browning.
Bakit ito nangyayari?
Nagtataglay kasi sila ng molecules na tinatawag na enzymes (polyphenol oxidase), na siyang responsable sa paghinog at pangingitim ng mga prutas at gulay.
Kapag hiniwa ang mansanas, lumalabas ang enzymes mula sa tissues nito, at kapag na-expose ang prutas sa oxygen ay nag-iiba ang kulay at nangyayari ang food browning.
Pero huwag mag-alala, may mga paraan para maiwasan ito.
Narito ang ilang epektibong home remedies para mapanatiling matingkad ang kulay ng mga prutas at gulay.

APPLYING ACIDIC JUICE
Ang isang hack ay ang pagpapahid o pagbabad sa acidic juice mula sa calamansi, lemon, orange, at pineapple.
Kung ihahalo ang nangingitim na prutas sa ibang citric fruits, unahing balatan at hiwain ang pineapple o orange. Ihuling balatan at hiwain ang mansanas at peras.
Pagkabalat at pagkahiwa ay ihalo sa pineapple at orange.
Isa pang paraan ay ang pagbabad ng paper towel sa lemon juice at pagkatapos ay itakip ang ibinabad na paper towel sa hiniwang mansanas o peras.
Ang problema rito, mas aasim ang iyong prutas.
Read: Spanish Bread’s surprising origin: Spain or the Philippines?
HONEY WATER
Pero may isa pang hack na bukod sa maiiwasan na umasim lalo ang mansanas o peras, mas ma-e-enhance ang sweetness nito.
Sa video ng America’s Test Kitchen sa YouTube, isang chef ang nagbigay ng hack sa mga ayaw madagdagan ng asim ang kanilang prutas.
Sa pamamagitan ng honey water, mas matagal na mapapanatili ang tingkad ng hiniwang prutas.
Sa isang basong tubig, mag-dilute ng dalawang kutsarang honey saka haluin.
Ibuhos ang honey at water mixture sa sliced apples at hayaang mababad ng ilang minute.
Ipinakita na ang sliced apples na hindi binabad ay nangitim agad, habang ang apple slices na ibinabad sa honey water ay nanatiling matingkad ang kulay makalipas ang 24 oras.
Paliwanag sa video, ang peptide compound na makikita sa honey ay pumipigil sa pangingitim ng prutas.
“The best news though is that we found apples only needed 30 second dunk in honey water to stop them from browning for solid eight hours.”
Effective rin daw ang honey water sa mga gulay tulad ng patatas
