Enjoy kainin ang rice kapag bagong luto at mainit-init pa.
Mas enhanced kasi ang lasa at texture.
Pero alam ba niyo bang may health benefits ang pagkain ng cold and leftover rice?

"Bahaw" ang tawag sa leftover rice sa Katagalugan.
Kaya tuwing kakain ng leftover rice ang mga Tagalog, ang kanilang pag-aanyaya ay: “Tara, mamahaw na!”
Alamin ang “untold benefits” ng pagkain ng overnight leftover cold rice, ayon sa artikulong nalathala sa news website na Times of India last October 12, 2025.
Read: Is it safe to eat leftover rice after 24 hours?
LEFTOVER RICE HAS REDUCED STARCH
Kapag ang rice ay naluto na at lumamig, ang portion ng starch nito ay nagiging “resistant starch” sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na starch retrogradation.
Ang ganitong uri ng starch ay resistant sa digestion, na nagpapabagal sa pagre-release ng glucose sa bloodstream.

Ang resulta, ang pagkain ng cold or reheated rice ay nagpapababa sa post-meal blood sugar spikes kumpara sa freshly cooked rice.
Ayon sa isang study na nalathala sa National Library of Medicine, natuklasan na noong kumain ang 15 healthy adults ng white rice, na inilagay muna sa refrigerator sa loob ng 24 hours at ni-reheat, malaki ang ibinaba ng kanilang blood sugar responses kumpara nang kumain sila ng freshly cooked rice.
Read: Kinmemai Premium is world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo
HEALTH BENEFITS OF EATING LEFTOVER RICE
Ang resistant starch ng leftover rice ay nagsisilbi ring prebiotic.
Pinabibilis nito ang pagdami ng good gut bacteria.
Ang mga bacteria na ito ay nakaka-produce ng short-chain fatty acids na maganda para sa colon health.
Nakakaapekto rin ang bacterial fermentation na ito sa hormones na related sa pakiramdam na mabilis mabusog at maging sa insulin sensitivity.
Nakakatulong din ito sa appetite control at nakakabawas ng abdominal fat.
Dahil sa health benefits na ito, ang leftover rice ay sinasabing good alternative para sa mga diabetic at mga taong nagpapababa ng timbang.
Versatile and convenient din ang leftover rice dahil maaari itong iluto bilang fried rice o kaya ay champorado nang hindi nababawasan ang nutritional value nito.
STORE LEFTOVER RICE PROPERLY
Huwag lang kalimutan ang proper storage ng leftover rice, na mas prone sa bacteria na Bacillus cereus, na nabubuhay sa unsafe temperatures.
Ilagay nang maayos ang tirang kanin sa refrigerator at kainin agad hangga’t maaari.
